Zanjoe mabentang-mabenta bilang leading man: Baka kasi kumonti na lang yung pagpipilian nila | Bandera

Zanjoe mabentang-mabenta bilang leading man: Baka kasi kumonti na lang yung pagpipilian nila

Ervin Santiago - May 03, 2022 - 07:51 AM

Zanjoe Marudo at Kylie Verzosa

KUNG may isang aktor na mabentang-mabenta ngayon bilang leading man sa mga teleserye at pelikula, yan ay walang iba kundi ang Kapamilya star na si Zanjoe Marudo.

In fairness, sunod-sunod ang mga acting projects ni Zanjoe, bukod nga sa hit series niya ngayon sa ABS-CBN na “The Broken Marriage Vow” ay hataw din siya sa mga pelikula.

After ng “hugot” movie niyang “366” na pinagbidahan din at idinirek ni Bela Padilla ay heto’t may bago na naman siyang pelikula sa Viva Films, ang “Ikaw Lang Ang Mahal” kung saan makakatambal naman niya si Kylie Verzosa.

Sa ginanap na face-to-face presscon ng “Ikaw Lang Ang Mahal” natanong si Zanjoe kung ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit sa dinami-dami ng mga male stars sa local showbiz ay mabentang-mabenta pa rin siya hanggang ngayon bilang leading man.

“Siguro marami akong kasamahan na takot magtrabaho at nag-iba ng mga direksyon na gustong puntahan kaya siguro mas marami akong projects. Kumonti na lang din siguro yung pagpipilian kaya ganu’n,” pahayag ng aktor.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Well, ako kasi, wala pa ako doon sa point na napapagod na or nagsasawa na sa ginagawa. Nandoon pa rin ako sa pagse-search ng ibang characters, ng mga projects na posible ko pang matanggap o posible ko pang magawa.”

In fairness, kung kailan may pandemya ay saka naman nagsunod-sunod ang trabaho ni Zanjoe kaya naman todo ang pasasalamat niya sa lahat ng producer at production na nagtitiwala sa kanya.

“Siguro nakita sa akin ng management yung courage na, ‘Oh, may artista tayong game, gustong-gusto magtrabaho.’ Kaya siguro nakita nila, naramdaman nila. And every time na binibigyan nila ako ng project talaga namang pinaghahandaan ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo)


“Kung ano yung kailangan nila hangga’t maaari kaya kong ibigay. So, siguro ’yun, yung willingness ko to work. Yun ang nakita nila,” aniya pa.

Isa raw sa mga sikreto sa staying power ni Zanjoe ay ang pagrespeto sa lahat ng katrabaho, pakikisama at ang pagiging professional.

“Malaking bagay yung pakikisama sa mga katrabaho ko. Malaking bagay yung pagiging professional ko sa trabaho, yung attitude ko sa mga tao sa set.

“Masarap din sa pakiramdam na, alam mo ’yon, gusto ka nilang makasama. Kesa doon sa, ‘Trabaho lang ’to.’ Masarap sa pakiramdam na gusto ka ng mga katrabaho mo,” lahad pa ng binata.

Sa Sagada kinunan ang pelikula at ayon kay Zanjoe naging madali ang mga eksena nila ni Kylie dahil hindi halos nagkakalayo ang kanilang height. Sa mga previous projects daw niya kasi ay palaging maliliit na aktres ang kanyang mga nakakapareha kaya hirap siya ilang mga eksena.

Bukod kay Kylie, isa pa sa leading lady ni Zanjoe sa movie ay ang baguhang sexy star na si Cara Gonzales. At bago pa sila tuksuhin ng members ng media, sinabi agad ni Zanjoe na masyadong bata si Cara para sa kanya.

“Si Cara masyado pang bata para sa akin. Medyo bata sa akin si Cara. Ihahanap ko na lang ang ka-age n’ya si Cara. Marami akong kaibigan, Cara. Mga ka-age mo,” natatawang sey ni Zanjoe.

Mapapanood na ang “Ikaw Lang Ang Mahal” sa Vivamax simula sa May 20. Ito’y sa direksyon ni Richard Somes.

https://bandera.inquirer.net/302703/zanjoe-sa-mga-cheater-itutuloy-mo-ba-o-iisipin-mo-yung-mga-taong-masasaktan-at-matatapakan-mo

https://bandera.inquirer.net/303303/zanjoe-apektado-sa-bugbugan-scene-nila-ni-jodi-nanginginig-ako-medyo-traumatic-yung-nangyari

https://bandera.inquirer.net/306447/zanjoe-super-loyal-pa-rin-sa-abs-cbn-star-magic-hindi-yun-mababayaran-ng-kahit-ano

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending