‘Ajoomma’ paniguradong swak sa panlasa ng K-Drama fans
SA mga mahihilig sa K-Drama ay tiyak na makaka-relate sa pelikulang “Ajoomma” na pinagbibidahan ni Hong Hulfang sa karakter na Auntie, Kang Hyung-seok bilang si Kwon-woo, Yeo Jin-goo as Jae Sung, Jung Dong-hwan – Jung Su at Shane Pow as Sam.
Si Auntie ay Singaporean at anak si Sam pero hindi sila gaanong nagkakakuwentuhan dahil abala ito sa kanyang trabaho.
At dahil naiiwan lang sa bahay si Auntie kaya naging bisyo nitong manood ng K-drama dahil na-hook siya sa kuwento ni Jae Sung na matagal nang hinahanap ang ina.
Bukod dito ay amazed si Auntie sa magagandang lugar na napapanood niya sa K-drama kaya’t pinangarap niyang sana makapunta siya ng Seoul, Korea at para pagbigyan ang ina ay nagpa-book si Sam para makapamasyal silang mag-ina.
Sobrang excited si Auntie at ipinamalita pa niya ito sa kanyang Zumba friends at masaya rin sila para sa kanya dahil first time rin nilang marinig na magba-bonding ang mag-ina.
Pero dalawang araw bago ang lipad ng mag-ina pa-Korea ay pina-cancel ito ni Sam dahil may job interview raw siya sa Amerika at sinabi na lang sa ina na ire-refund naman ang ibinayad sa trip.
Baka Bet Mo: Robin Padilla nagtataka sa pagkahumaling ng Pinoy sa K-Drama: Mas pogi naman kami!
Pero natuklasan ni Auntie na hindi refundable ang trip kaya sinabi niyang tutuloy na lang siya at first time niyang mag-travel mag-isa kaya’t maraming aberyang nangyari dahil sa kagagawan ng tourist guide na si Kwon woo na aburido dahil hinahabol siya ng mga pinagkaka-utangan niya bukod pa sa hindi niya kasama ang mag-ina niya dahil hindi sila makabayad ng upa sa bahay kaya bumalik ito sa magulang niya.
Nakakaantig ng puso ang kuwento ng Ajoomma dahil maraming unforgettable experience si Auntie sa solo travel niya sa Korea at nakilala niya si Jung Su nan a isang senior police officer na tumulong sa kanya nang mawala siya and the rest is history.
Ang “Ajoomma” ay collaboration ng Singaporean at Korean producers na distributed ng TBA Studios sa Pilipinas at mapapanood ito sa sinehan bukod sa Cinema 76 Café along Tomas Morato cor. Scout Borromeo Street, Quezon City sa March 15.
Directorial debut ito ng Singaporean filmmaker na si “He Shuming”.
Kuwento ni He Shuming, “While the premiese seems to be timely given the popularity of Korean pop culture sweeping through all of Asia and beyond, it merely serves as an understone for the film, which is about a middle-aged Singaporean woman learning to navigate life beyond her duties as a mother, a housewife, and a caretaker.”
Nagkaroon ng world premiere ang “Ajoomma “sa 27th Busan International Film Festival last October 2022.
Mula noon, ang pelikula ay umani ng maraming parangal at pagkilala, kabilang ang apat na nominasyon sa 59th Golden Horse Awards.
Napili rin ito bilang entry ng Singapore para sa Best International Feature Film sa 95th Academy Awards.
Ang “Ajoomma” ay produced ng Cannes award-winning director na si Anthony Chen (ILO ILO) at may pagkakaiba sa pagiging unang pelikula na co-produce ng Singapore at South Korea.
Ayon kay Chen, ang pelikula “reflects the unique way that Korean pop culture resonates with audiences across Asia and the world.”
Sabi naman ni TBA Studios’ President and COO Daphne Chiu, “Filipinos are very passionate about Korean culture and media. We feel that audiences here especially women of all ages would be able to relate to this film. It’s a heartwarming story perfect for families.”
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.