Heart pak na pak sa pag-aayos ng apartment sa Paris, kumpleto na sa gamit: The struggle is real but definitely satisfying! | Bandera

Heart pak na pak sa pag-aayos ng apartment sa Paris, kumpleto na sa gamit: The struggle is real but definitely satisfying!

Pauline del Rosario |March 11,2023
facebook
share this

Heart pak na pak sa pag-aayos ng apartment sa Paris, kumpleto na sa gamit: The struggle is real but definitely satisfying!

Pauline del Rosario - March 11, 2023 - 08:31 AM

Heart pak na pak sa pag-aayos ng apartment sa Paris, kumpleto na sa gamit: The struggle is real but definitely satisfying!

PHOTO: Instagram/@iamhearte

KINARIR ng fashion icon at influencer na si Heart Evangelista ang pag-aayos sa kanyang nabiling apartment sa Paris.

‘Yan ay kahit abala siya sa kanyang trabaho doon sa kasagsagan ng Paris Fashion Week.

Sa Instagram, ibinandera ni Heart ang ilang litrato ng kanyang pagsho-shopping, pati na rin ang pagbibitbit niya ng mga malalaking gamit sa bahay.

Sinabi pa nga ng fashion icon, “The struggle is real but definitely —- satisfying!”

Nakuwento rin niya na isa sa mga paborito niyang gawin ay ang pag-aayos ng bahay.

“Decorating and fixing a home is one of my ultimate favorite thing to do!,” caption niya.

Baka Bet Mo: Heart excited nang bumili ng mga furniture para sa nakuhang apartment sa Paris: ‘I’ll be there a lot because…’

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga tumulong sa kanya sa Paris upang makumpleto na niya ito.

Sey niya sa IG caption, “Thank you to all my loved ones here in Paris for helping me (3/4 days during fashion week) complete my sweet home [emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media si Heart matapos i-post ang kanyang pictures na may buhat na napakalaking halaman habang tumatawid sa isang kalsada sa Paris.

Tuwang-tuwa ang netizens dahil kapansin-pansin na nakapustura pa ito at walang pakielam kahit may halaman siyang dala.

Caption pa niya sa nasabing post, “Moving in / errands / fashion week [emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Narito ang kwelang komento ng ilang netizens sa IG post ni Heart:

“Pag si Heart nagbitbit ang sosyal, pag ako karkador ang peg, saan ang hustisyaaa? [laughing emoji].

“Ikaw lang ang natatanging napaka chic and beautiful pa rin kahit nagbubuhat ng halaman.”

“‘Yung kinuha mo yung halaman sa gilid ng bahay ng walang paalam. Pero dapat maganda ka pa rin para ‘di halata.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Maxene Magalona iniwan na ang bahay nila ni Rob Mananquil, lumipat sa sariling apartment: ‘Move on, move out and move forward’

Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending