Pokwang tinawag na ‘unggoy’, never pinagtanggol ni Lee O’Brian

Pokwang tinawag na 'unggoy', never pinagtanggol ni Lee O'Brian
MULING naglabas ng hinaing ang Kapuso actress na si Pokwang laban sa kanyang dating partner na si Lee O’Brian.

Nitong March 9, nagbahagi ang komedyana ng video sa Instagram kung saan kasa-kasama niya ang panganay niyang anak na si Mae Subong habang nagkakantaha sila loob sila ng sasakyan.

“Makwento ko lang, naalala ko madalas akong na bu bully sa IG nya ni alam nyo na…. kapag nag po post sya ng picture namin dalawa madalas ako binu bully tinatawag akong unggoy, chonggo,” saad ni Pokwang.

Marami raw ang nagtatanong sa kanyang dating partner kung ani ang nagustuhan nito sa kanya gayong marami daw ibang magagandang babae.

Sey ni Pokwang, “ni minsan hindi ako pinaglaban ng lolo nyo pero ok lang kasi pinaglalaban ko naman sya sa lahat ng ayaw sa kanya.

“ni minsan kahit isang beses di ako pinagtanggol sa mga nanglalait haaayyy ganon yata talaga pero atleast magaganda mga anak ko.”

Baka Bet Mo: Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Marami naman ang kumontra sa sinabi ni Pokwang at sinabing hindi totoo ang sinasabi ng iba na hindi siya maganda.

“Maganda ka bff! ganda pa ng kutis! alam mo naman na inggit ako sa pagka morena mo at payat syet! labyu!!,” comment ni K Brosas.

Saad naman ni Sugar Mercado, “Mamang maganda tayo kaya maganda mga anak natin sorry lang sila paano pa si LORD satin diba kaya tayo pinag pala dahil sa anak.”

“HELLO MAGANDA KA MAMANG!!!!!!! MISERABLE yung mga TAONG NAGSASABE NA HINDEEEEE!!!!!! Labyuh!!!

,” hirit naman ni Kakai Bautista.

Ilang araw na ring laman ng mga showbiz chika ang paglalabas ni Pokwang ng hinaing laban sa kanyang dating partner at ama ng kanyang bunsong si Malia.

Matatandaang inamin niya kamakailan na sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak ay never niyang naramdamang minahal siya nito.

Spluk pa ni Pokwang, hindi raw nagustuhan noon ni Lee nang malamang ipinagbubuntis niya si Malia at siya ang gumastos sa lahat mula sa mga gamot hanggang sa panganganak niya sa bunsong anak.

Related Chika:
Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O’Brian: ‘Wala na kasi akong patabaing biik!’

Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O’Brian, hirit ni Ogie Diaz: Baka feeling niya ‘sana mas maganda-ganda naman sa akin’

Read more...