‘Batang Quiapo’ ni Coco ayaw tantanan ng kontrobersya, reklamo ng mga vendor wala pang solusyon?

'Batang Quiapo' ni Coco ayaw tantanan ng kontrobersya, reklamo ng mga vendor wala pang solusyon

Coco Martin at Lito Lapid

NANINIWALA talaga kami sa kasabihang kapag hitik sa bunga ang isang puno ay kaliwa’t kanan ang bumabato rito para malaglag ang bunga.

Hindi nalalayo ang kasabihang ito sa TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin na siya ang bida, siya rin ang direktor, producer at siya rin ang may say sa creative at script.

Pagkatapos ng isyu ng programa sa mga kapatid nating Muslim na naayos naman kaagad ay heto at nagrereklamo naman daw ang mga tindero’t tindera sa Quiapo dahil nabawasan ang kita nila dahil sa shooting ng “Batang Quiapo.”

Ayon sa mga vendor ay hindi na sila nadadaanan ng mga mamimili dahil may harang sa lugar at sa ibang ruta sila pinadadaan.

Humingi kami ng official statement sa “FPJ’s Batang Quiapo” management at sa Corporate Communications ng ABS-CBN pero hindi pa kami nababalikan.


Pero siguro naman ay ginagawan na ito ng paraan ng produksyon para hindi na lumala pa ang problema. Knowing Coco, ayaw naman niyang may mag-suffer na mga kababayan natin.

Samantala, kahit kaliwa’t kanan ang isyu sa “Batang Quiapo” ay laging nasa pangalawang puwesto ito base sa Nutam TOP Programs (AMR96) source Nielsen Phils overnight data.

Maraming nagmamahal talaga kay Tanggol, karakter ni Coco sa “FPJBQ” dahil sa nakaraang Panagbenga Kapamilya Karavan sa Baguio City noong Marso 4, Sabado ay talagang dinagsa ng tao ang ilang cast ng serye ng Kapamilya network.

Baka Bet Mo: Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Nakipagrakrakan si Coco sa libo-libong tagahanga na nagtipon sa paligid ng Burnham Park nang kantahin niya ang “Beep Beep” ng Juan dela Cruz band, suot ang signature nitong porma na leather jacket at shades.

Kasama ng lead star ang iba pang  cast members na sina Smugglaz, Bassilyo, Norvin at Lovely Dela Pena, Ghost Wrecker, Ryan Martin, Jojit Lorenzo, Ronwaldo Martin, Sugar Ray Mammoth, Bigmak, Baby Giant, at Sen. Lito Lapid na nagpasaya sa mga tao sa kanilang nakakatuwang mga sorpresa at pagtatanghal.

Umawit rin para sa mga manonood ang dalawang ABS-CBN Star Music artists na sina Carlo Bautista and Trisha Denise bago ang pangunahing event sa programa.

MJ Lastimosa binanatan ng bashers dahil sa ‘sayang ticket’ tweet, nagpaliwanag: Walang comprehension ng mga tao here

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Read more...