Ogie Diaz, Jojo Saguin sa napurnadang role ni Liza sa ‘Hello, Love, Goodbye’: Kung hindi ukol, hindi bubukol

Ogie Diaz, Jojo Saguin sa napurnadang role ni Liza sa 'Hello, Love, Goodbye': Kung hindi ukol, hindi bubukol
NAG-REACT ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa isang tweet ng TV director na si Jojo Saguin patungkol sa projects na biglang naio-offer sa ibang artista kahit may nauna nang prospect artist para rito.

Ito ay matapos magbigay ng pahayag ni Liza sa interview niya kay Bea Alonzo ukol sa highest grossing Filipino movie na “Hello, Love, Goodbye” na initially raw ay ini-offer sa kanya.

Ayon sa dating alaga ni Ogie, nagulat na lamang daw siya nang mabalitaan na ini-offer na kay Kathryn Bernardo at sa kanyang dyowang si Enrique Gil ang proyekto.

Pero matapos ang ilang pag-aaral kung paano tatakbo ang proyekto ay napunta ito kay Kathryn at sa Kapuso actor na si Alden Richards.

Lumabas ang interview ng dating alaga ni Ogie noong Linggo na umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol at isa na nga rito ay nagmula sa TV director na si Jojo Saguin.

“Yung ‘La Vida Lena’ originally was for Ivana Alawi.. Naiba nang naiba ang story tapos hindi ready si Ivana to do lock in tapings. Kasagsagan kasi ng pandemic nun. Tapos we presented the story to Erich and she said yes. Ayun nag-swak naman ang lahat. Pak!!!!” sey ng director.

Baka Bet Mo: Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: ‘For how many years ng walang interest!’

Ni-retweet naman ito ni Ogie sa kanyang sariling account at sinabing “Ako talaga, naniniwala na kung hindi ukol, hindi bubukol, direk. Pag pinilit, pwedeng ibigay, pero me consequence yon.”

Ginamitan pa nga niya ito ng hashtag na “#generallyspeaking”.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay rin ng kani-kanilang opinyon sa tweet ni Ogie.

“Ako e naniniwalang kahit gaano mo pa mahalin at hubugin ang isang tao, yung tunay nyang pagkatao parin ang lalabas. Yung core nya ang iibabaw,” saad ng isang netizen.

Chika pa ng isa, “trut yan mama Ogie kaso nakalimutan ata ng dati mong alaga ung ganyan paniniwala NATING LAHAT pakiaddress namn sa knya ng pumasok sa utak nya. harujusme hangganda lang talaga panlaban nya chrizz.”

“yung iba nga po engaged na, pero iba pinakasalan! kahit syo unang binigay movie kung may mas babagay sa iba, syempre dun mapupunta,” hirit pa ng isa.

Well, bagamat “generally speaking” ang saad ni Ogie ay marami pa ring naniniwala na pasimpleng sagot niya ito kay Liza na hanggang ngayon ay pulutan pa rin ng mga bulung-bulungan dahil sa nagsusulputang mga isyu ukol sa kanya.

Related Chika:
Ogie Diaz nilinaw na hindi LizQuen ang pinatatamaan sa mga tweets: Easy lang kayo

Ogie Diaz kay Willie: Huwag kang mag-gaslight…sa yaman mong ‘yan at sobrang blessed, hindi ka inaapi

Read more...