Marco Gumabao, Cristine Reyes may ‘something’ nga ba?

Marco Gumabao, Cristine Reyes may 'something' nga ba?
USAP-USAPAN ngayon kung ano nga ba ang namamagitan sa Viva artists na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes.

Marami kasing lumalabas ngayon sa social media kung saan makikitang magkasama ang dalawa nang magbakasyon sa Siargao.

Bukod pa rito, may netizen rin na nakapansin na sweet sina Cristine at Marco sa isang video na uploaded ng isang scuba diving instructor na si @saltydude_scuba.

Mayroon ring videos posted sa Instagram page ng @jcdogrepublic kung saan mamamataang namimili ng mga gamit para sa kanilang mga fur babies ang dalawa.

Tweet pa ng isang netizen, “Speaking of Marco, sila pala ni Cristine Reyes no?” kalakip ng screenshot mula sa isang video.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao never nainggit sa kasikatan ni Daniel Padilla: Proud ako sa kanya dahil napakalayo na ng narating niya!

Kaya namam mukhang shookt ang ilan dahil ang mga ito ay kuha pa noong January pero walang lumabas na balita ukol sa dalawa.

Sa vlog ni Ogie Diaz ay natalakay rin nila kung may “something” nga ba kina Marco at Cristine.

Tinanong nga ng talent manager kung nililigawan niya si Cristine o in a relationship na sila.

Sagot ni Marco, “Itanong mo sa kanya.”

So abangan na lang natin kung may bonggang pasabog ang dalawa sa darating na mga araw o gimik lang ang ganap nila lalo na’t may mga bago silang projects na pino-promote.

Bibida si Marco sa pelikulang “Baby Boy, Baby Girl” kasama ang beauty queen-actress na si Kylie Versoza sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Related Chika:
Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Marco Gumabao minulto sa Baguio: Feeling ko may nakapatong sa ulo ko at may naririnig akong footsteps sa room

Read more...