Nikko Natividad inalok ng doktor na mas palakihin pa si ‘junjun’: ‘Pero natakot ako, tinanggihan ko…wala naman po sa size ‘yan’

Nikko Natividad inalok ng doktor na gawing jumbo si 'junjun': 'Pero natakot ako, tinanggihan ko...wala naman po sa size ‘yan, eh'

Nikko Natividad, Ayanna Misola at Alma Moreno

SA wakas nabigyan din ng bonggang project ang aktor at dating Hashtag member na si Nikko Natividad.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bibida na si Nikko sa upcoming Vivamax Original movie na “Salamat, Daks” kung saan makakatambal niya ang sexy star na si Ayanna Misola at Alma Moreno.

Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Nikko, nagsimula siyang umapir sa “Showtime” pagkatapos manalo sa “Gandang Lalake” contest ng programa noong 2014.

Naging miyembro rin siya ng grupong Hashtag na nagpe-perform regularly sa “Showtime” at nakasama sa “PBB7” ng ABS-CBN kung saan binansagan siyang “most valuable housemate.”

Napanood din siya sa mga seryeng “Kadenang Ginto”, “Hanggang Saan” and “Paano Kita Mapapasalamatan”.


At ngayon nga ay bibida na siya sa kanyang first starring role, ang “Salamat Daks” kung saan napapayag siyang magpaseksi at napasabak pa sa love scenes.

“I accepted the movie kasi ang ganda ng story. Sobrang kakaaliw siya. ‘Yun nga lang, first time ko to do sexy scenes and I asked sina Direk Bobby Bonifacio and Ayanna to help me para hindi ako mahirapan.

“Kasi never pa akong nakipag-bed scene kaya nanginginig ako sa takot noong umpisa, but naitawid naman namin.

“Si Ayanna ang first screen kiss at love scene ko and I’m thankful tinulungan niya ako,” kuwento pa ni Nikko.

Umamin naman ang Viva Artist Agency talent na may kaunting selosan sa part ng kanyang non-showbiz wife na si Cielo Eusebio dahil sa mga ginawa nilang love scenes ni Ayanna.

“About my wife, hindi naman maiiwasan ang magselos but I told her trabaho lang ito. She knows namang artista ako at part ito ng job ko.

“Normal naman ang magselos so, sabi ko huwag na lang niya panoorin, pero manonood pa rin daw siya,” chika ni Nikko.


Tinablan ba siya sa mga intimate  scenes nila ni Ayanna? “She’s so sexy pero faithful po ako sa misis ko, kaya lalabanan ko ang mga tukso.

“At kapag tinablan ako, ibig sabihin, may nararamdaman akong malisya. Never ko namang nilagyan ng malisya ang mga eksena namin kasi malaki ang respeto kay Ayanna dahil tinutulungan nga niya ako sa eksena.

“Basta nag-focus lang ako sa character ko at sa trabaho namin. At nag-plaster po ako. Hindi ako marunong maglagay kasi first time ko.

“Nagpatulong ako sa mga make up artists. Nagkasugat-sugat nga po ang singit ko, ang hita ko, kasi ilang beses inaalis at idinidikit uli,” paliwanag ni Nikko.

Sa kuwento ng “Salamat, Daks”, magpaparetoke ang karakter ni Alma at magiging si Ayanna at mai-involve nga silang dalawa along the way, kaya naitanong din kay Nikko kung posible ba siyang ma-in love sa mas matanda sa kanya.

“Never pa akong nagkaroon ng relationship with a woman na mas matanda sa akin. Pero wala naman akong nakikita akong problema doon.

“Dito, si Ms. Alma, at her age, hindi pa nagkaka-boyfriend, so siguro, maraming babaeng hindi pa nagkarelasyon ang makaka-relate doon sa sitwasyon niya,” aniya.

At sa nakakaintrigang tanong kung totoo bang daks siya, “Ang kailangan ko nga po, magpabawas. Ha-hahaha! Joke lang po! Filipino po ako.

“Siguro po, kung nagkaasawa ang mother ko ng foreigner, baka lampas pusod ako. Noong 2016, may doktor, nag-offer na palalakihin daw niya, pero natakot ako, tinanggihan ko.

“At naniniwala akong wala naman po sa size ‘yan, e. Ang mas mahalaga, kung gaano katagal ka ba aabot to satisfy yung partner mo. At mas importante ‘yung good hygiene, ‘yung kalinisan sa katawan,” katwiran ni Nikko.

Joshua Garcia ‘super daks’ daw, ani Ogie: Hindi siya conscious, proud siya!

Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?

Direk ‘Darryl Daks’ sobrang taba ng utak; binansagang kingmaker sa online world

Read more...