Ashley Ortega umaming hiwalay na sa dyowang mayor: ‘Ibubuhos ko ang lahat ng oras at effort ko sa trabaho’

Ashley Ortega umaming hiwalay na sa dyowang mayor: 'Ibubuhos ko ang lahat ng oras at effort ko sa trabaho'

Mark Alcala, Ashley Ortega at Xian LIm

KINUMPIRMA ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na hiwalay na sila ng young politician na si Lucena City Mayor Mark Alcala.

Inamin ng dalaga ang tungkol dito sa gitna ng malilisyosong tsismis tungkol sa kanila ni Xian Lim, ang leading man niya sa bagong GMA series na “Hearts On Ice.”

Pero pareho nang dinenay nina Xian at Ashley ang chikang may “something” na sa pagitan nila at sinigurong trabaho lang ang kanilang ginagawa.

“Kinonfirm ko naman na I’m single now. Last year pa,” ani Ashley sa naganap na mediacon ng bagong drama series ng GMA na “Hearts on Ice” last Friday, March 3. Mutual decision naman daw ito at naghiwalay sila nang maayos.

“Ang focus ko talaga is my career right now. Ibubuhos ko ang lahat ng oras ko, ng effort ko sa show na to. Parang there’s so much on my plate right now, ang Hearts on Ice. Siyempre, tuluy-tuloy ang taping. Wala pa ring time yung love life,” aniya pa.


“I’m really happy. I want to stay single. Kasi mas maraming nagagawa pag single ka. Priority ko talaga is my career, at ito talaga ang biggest break na nakuha ko, di ba?

“So, I think I have to put all my attentions here para hindi mahati ang oras ko sa ibang bagay,” chika ng dalaga.

Samantala, excited na sina Ashley at Xian sa pagsisimula ng “Hearts on Ice” sa March 13, ang kauna-unahang figure skating drama series sa bansa.

Ka-join din sa serye sina Tonton Gutierrez, Amy Austria, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo at marami pang iba, mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Huling napanood si Ashley sa “Widow’s Web” (2022) at nakasama rin siya noon sa “Legal Wives” (2021), “I was really grateful, and sobrang fulfilling ang show na ito kasi I get to do the things that I love, yung figure skating.

“So, talagang, I have to give so much effort on this show. Kasi ang taas din ng expectations ng mga tao sa akin.

“Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Hindi pa nagsi-sink in sa akin. I’m just really overwhelmed na ngayon focus pa rin sa taping.

“Kasi ongoing pa rin. Marami pa po kaming hindi nagagawa. That’s a long way to go. So, hindi pa talaga super na nagsi-sink in. But, I’m really really grateful that I get to do figure skating and acting at the same time,” aniya pa.

Naibahagi rin ni Ashley na bata pa lang ay nakikipaglaban na siya sa figure skating competition, “I started skating at the age of three, until 12 years old. I was competing in figure skating that time.

“Nakapag-compete na rin ako sa Asia, Japan. My first country na pinag-compete ko was Thailand. Tapos nag-China ako, tapos Japan, Malaysia, and the rest dito sa Philippines, locally.

“Hindi naman sa nagyayabang pero when we compete abroad kasi, sinasalihan namin mga sampung events. Kasi there are different kinds of ano, like mga artistic, may technicals. Maraming klase.

“So, every time we would compete abroad, siguro mga six times of performance na ginagawa namin. So marami na yun. Siguro, mga 80 medals ganu’n,” pagbabahagi pa ni Ashley.

Xian Lim, Ashley Ortega hindi niloloko si Kim Chiu: Trabaho lang, walang personalan

Claudine Barretto nag-effort pa rin para sa birthday ni Rico Yan: I love you!

Chito effort kung effort para kay Gab, ipapa-auction ang ‘Bagsakan’ polo ni Francis Magalona

Read more...