Boy Abunda take 1 lahat ng eksena sa 1st Summer MMFF entry ni Bela Padilla: ‘Pagpasok niya sa room, lahat tumahimik’

Boy Abunda take 1 lahat ng eksena sa 1st Summer MMFF ni Bela Padilla: 'Pagpasok niya sa room, lahat tumahimik'

Bela Padilla at Boy Abunda

PROUD na proud ang award-winning veteran TV host na si Boy Abunda na take one lang ang lahat ng mga eksena niya sa pelikulang “Yung Libro Sa Napanuod Ko”.

Ito ay official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa darating na April na pinagbibidahan ni Bela Padilla at ng South Korean actor na si Yoo Min-gon.

Sa guesting ni Bela sa “Fast Talk With Boy Abunda” na napapanood sa GMA 7, napag-usapan nga ang tungkol sa kanyang bagong pelikula pati na ang chikang hindi na raw siya babalik sa Pilipinas at sa London na tuluyang maninirahan.

Kuwento ng actress-director, bukod sa pagsusulat ng mga script sa London, nagtayo na rin siya roon ng sariling production house sa UK.

“I still love working with people I know. Siyempre dito tayo sanay, eh. Umuuwi ako rito kapag kailangan kong mag-shoot ng pelikula,” chika ni Bela.

Ngunit inamin niya na talagang na-in love at naging kumportable na siya sa London noong panahon ng pandemya. Bukod pa sa nasa UK din ang kanyang pamilya.

“Siguro dahil pandemic Tito Boy, lahat tayo naghanap ng lugar sa mundo, kung saan tayo pinakakumportable, kung saan tayo at home. Noong pandemic I didn’t feel it anymore in the Philippines. So I feel like I had to leave,” paliwanag ni Bela.

“‘Yun lang. Wala siyang big explanation, wala siyang big meaning or deep meaning na, ‘Aalis na ako, iiwan ko na kayo.’ Wala akong pinag-isipan na ganoon,” sabi pa ni Bela na nakabalik uli sa GMA 7 after nine years.

Nang mapagkuwentuhan nga ang kauna-unahang summer edition ng MMFF, nabanggit na kasali si Tito Boy sa entry nina Bela na “Yung Libro Sa Napanuod Ko” na idinirek din ng aktres.

“I’m being supported here by Bela Padilla, I’m directed by Bela Padilla. I have a two second role,” natatawang biro ni Tito Boy tungkol sa kanyang karakter.

“Ay hindi po Tito Boy! Kakalabas ko lang ng editing, mahaba po ‘yung eksena niyo!” sey naman ni Bela.

Take one lang daw ang mga eksena ng TV host sa movie ni Bela, “Ito ‘yung malala. Pagdating niya sa set, memorize niya ‘yung lines niya.

“Walang nagturo, walang kahit ano. Nandito po ang witness, nandito ang makeup artist. Alam niya ‘yan.

“Pagpasok niyo (Boy) roon sa room, lahat tumahimik. You’re a presence na ‘Ay, seryoso ‘to, magsu-shoot na tayo.’ Kasi parang kapag kami laro-laro lang. Noong dumating ka lahat tumahimik,” chika pa ni Bela.

Ate Guy matapang na ibabandera ang makulay at madramang buhay; Direk Adolf Alix shookt sa rebelasyon ng Superstar

Maxene gagawa ng libro: I will share the important life lessons that I learn in my personal journey

Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!

Read more...