ISANG nakakalungkot na balita tungkol sa kalusugan ng content creator at “Valorant” streamer na si Kyedae Shymko ang bumungad sa fans.
Inanunsyo niya kasi sa social media na na-diagnose siya ng “Acute Myeloid Leukemia (AML)”, isang uri ng cancer sa dugo at bone marrow.
Para sa kaalaman ng marami, ang karaniwang treatment sa mga mayroong AML ay chemotherapy at radiation therapy.
“Hi everyone, I’ve recently been diagnosed with Acute Myeloid Leukemia (cancer). I’ll be starting up treatment very soon,” sey sa tweet ni Kyedae.
Nauna na rin siyang humingi ng tawad sa kanyang manonood kung sakaling magiging pabago-bago ang kanyang streaming.
Paliwanag niya, hindi pa siya sigurado kung paano magre-react ang kanyang katawan lalo na’t mag-uumpisa na siya sa pagpapagamot.
Saad niya, “With that being said I’m not too sure how my body will react to the treatment so I do apologize in advance if my stream schedule isn’t consistent! Stay safe <3”
Hi everyone,
I’ve recently been diagnosed with Acute Myeloid Leukemia (cancer). I’ll be starting up treatment very soon. With that being said I’m not too sure how my body will react to the treatment so I do apologize in advance if my stream schedule isn’t consistent! Stay safe <3— kyedae 🇯🇵🐸 (@kyedae) March 3, 2023
Ang post ng content creator ay agad na kumalat sa Twitter at sa loob lamang ng dalawang oras ay umaani na ito ng mahigit 3 million views.
Libo-libo rin ang nagpaabot ng “get well wishes” sa games streamer at narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“I believe good things happen to good people and you will get out of this obstacle with grace, life changing lessons and a wonderful inspiring story to tell others.”
“Sending all love and support. You’re such a positive light n it’ll shine thru with a speedy recovery [red heart emoji].”
“This is heartbreaking, love you Kyedae wishing you the best of luck on your recovery and you have my support pls lmk if you need anything [white heart emoji].”
Related chika:
Ka Tunying naniniwalang magaling na ang anak na may leukemia: Siya ang pinakadakilang Manggagamot!