Makati, Manila, Parañaque, Pasay walang tubig hanggang March 7 – Maynilad

Balita featured image

TATLONG araw na mawawalan ng tubig ang Makati, Manila, Parañaque, at Pasay.

Magsisimula na ‘yan ngayong March 5 at magtatagal ng hanggang March 7, ayon sa west sone concessionaire na Maynilad Water Services Inc.

Sa Facebook, ipinaliwanag ng Maynilad na magkakaroon kasi sila ng “leak repair activity” na isasagawa sa Osmeña Highway corner Zobel Roxas sa Makati upang mapabuti ang supply at pressure sa mga kalapit na lugar.

Ang service interruption ay tatagal ng 20 to 57 hours depende sa lokasyon.

Narito ang listahan ng mga lugar na mawawalan ng tubig:

Pasay City  – March 5, 3 p.m. to March 7, 9 p.m.

Brgy. 1, 3,7, 9, 14, 15, 18, 20, 23, 33, 37, 41-49, 51, 52, 56-59, 64-68, 71-75, 80, 81, 84-86, 89, 91, 93-99, 101, 104, 106-110, 112-115, 118, 122-123, 125-126, 128, 130, 131, 133,135-137, 142, 181-185, and 201

Manila (March 5, 3 p.m. to March 6, 11 a.m.)

Brgy. 719, 726-731, 732-734, 745-762, 769, 803, 807 (Malate and San Andres)

Makati (March 5, 3 p.m. to March 7, 9 p.m.)

Bangkal, Magallanes, Palanan, Pio del Pilar, and San Isidro

Parañaque (March 5, 3 p.m. to March 7, 11:59 p.m.)

Don Bosco (Aeropark Subd., Annex 135 and 1618 Subd., Bolivia St., Better Living Subd., Camella Homes, Dona Soledad Ext., France St., Levitown Subd., Saudi St., Scienceville Subd., Somalia, UN-Don Bosco Ave., Zambia St.), BF Homes (Enclaves along Presidents Ave, and Aguirre Ave., Goodwill 2 Subd., Massville Village, Sampaloc Ave.), Marcelo Green (ACSIE Road, Sampaguita, Severina Ave. – Left & Right, WSR/Marcelo Ave.), San Antonio (4th Estate Subd., Goodwill 3 Subd., Meliton St., Soreena Ave.), San Martin De Porres (Makati South Hills Townhomes, United Paranaque Subdivision 1-3, United Hills Subdivision)

Pinapayuhan ng Maynilad ang apektadong customers na mag-ipon na ng sapat na tubig.

Sinabi rin ng water concessionaire na magde-deploy sila ng 30 mobile water tankers para sa apektadong customers.

Available din daw ang pitong stationary water tanks (SWTs) na maaaring pagkunan ng malinis na tubig.

Payo pa nila, hayaan munang dumaloy ang tubig nang panandalian hanggang sa luminaw ito sakaling magkaroon na ng water service.

Read more:

Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’

Read more...