Organizer ng Miss Eco International nangakong di pababayaan ang mga kandidatang nagka-COVID | Bandera

Organizer ng Miss Eco International nangakong di pababayaan ang mga kandidatang nagka-COVID

Reggee Bonoan - April 07, 2021 - 06:17 PM

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin nakakaalis ng Egypt ang ilang kandidata ng Miss Eco International na nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR exit test.

Nasulat namin dito kahapon na naka-hold sa Egypt ang ilang kandidata kasama na ang kinatawan ng Pilipinas na si Kelley Day na nanalong first runner-up na isa umano sa mga nag-positive.

Nakipag-ugnayan si Arnold Vegafria, pinuno ng Miss World Philippines sa organizer ng Miss Eco International para alamin ang kalagayan ng mga naiwan sa nasabing bansa partikular na si Kelley Day.

“Miss World Philippines is coordinating closely with the Miss Eco International organization in ensuring the health and safety of all the candidates in its recently concluded pageant.

“Our official candidate, Ms. Kelley Day, remains our topmost priority, and we remain optimistic as we wait the results of the organizers’ routinely medical testing procedures,” sabi ni Arnold.

Naglabas naman ng official statement ang Miss Eco International at nangakong hindi nila pinababayaan ang mga naiwang kandidata.

“Miss Eco International Organization will ensure the safety of all our candidates. All accusations made publicly against us may have taken out of proportion. We are trying our best to coordinate with everyone. Including the ladies who are still here in Egypt.

“And we have fulfilled our duties as we promised. And we’re taking a good care of all our infected queens. We thank all our national directors and candidates for their support and understanding.”

Hindi naman binanggit ng organizers kung sinu-sino ang mga kandidatang naiwan sa Egypt maliban kay Kelley. Inilabas kasi ng national director ng Miss Peru beauty pageant na si Jessica Newton ang pangalan niya sabay post ng litrato ng RT-PCR test ng ating kandidata na may nakalagay na “positive.”

* * *

Mula sa paglilingkod sa radyo at cable TV, naghahatid na rin ng impormasyon, inspirasyon, at saya ang ilang TeleRadyo anchors sa digital.

Napapanood na rin ang mga batikang brodkaster na sina Ahwel Paz, Coach Harris Acero, Dra. Luisa Ticzon Puyat, May Valle-Ceniza, Stargazer, at Winnie Cordero sa  FYE Channel sa Pinoy community platform na kumu.
Showbiz balita at mga panayam sa artista ang hatid ni Ahwel sa “Kumu Star Ka” tuwing Miyerkules at Linggo, 3 p.m.. Libreng konsultasyon at payong medikal naman ang handog nina Dra. Luisa at Coach Harris sa “kumunsulta” tuwing Lunes ng 9:30 p.m., tulad ng gawain nila sa programa nilang “Your Daily Do’s”.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang diskusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay sa “Tita Talk” tuwing Huwebes ng 9 a.m. kasama sina Winnie Cordero at May Valle-Ceniza, na magkasangga rin sa “HaPinay” show. Sa kumu rin nagbabalik ang sikat na programang “Pinoy Vibes” ni Stargazer, kung saan tinatalakay ang mga bagay na paranormal at naghahatid ng ibang klase ng life coaching kada Linggo ng 8 p.m..

Ayon sa kanila, kakaiba ang karanasan sa kumu kumpara sa nakagawian nila sa radyo. “Challenging kung paano mo makukuha ang attention ng mga Kumunizens, kung paano mo sila mapapasali sa usapan at mapapanood hanggang matapos ang show,” ani Coach Harris.

Sabi naman ni Stargazer, “Dito nasusubok ang bilis namin mag isip, kailangan maging fluid o tuloy tuloy.  Natuto din kami maging mas maging interactive sa mga tao.”

Nagpapasalamat dinsila sa bagong oportunidad na makapaghatid ng serbisyo sa publiko.

“Napaka-rewarding din na tanggapin ng audience ang programa sa pagkakaroon ng malaking bilang na viewers at pagtanggap ng mga virtual gifts bilang tanda ng appreciation ng audience sa programa,” ani Ahwel, na napapanood tuwing Linggo sa TeleRadyo, 3 p.m. at Jeepney TV, tuwing 3:30 p.m..

“I believe thru kumu we are able to continue our battle cry of being Una sa Balita at Public service by incorporating our info dissemination on various topics,” kwento ni May.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag ni Winnie, “Kahit na anong plataporma, kahit na anong sitwasyon, narito ako para magbigay saya at impormasyon sa tao. Patuloy lang ang paglilingkod kahit anong sitwasyon kasi walang iwanan sa Kapamilya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending