Negros Oriental governor patay sa pamamaril, babala ni PBBM sa mga suspek: We will find you!

Negros Oriental governor patay sa pamamaril, babala ni PBBM sa mga suspek: We will find you!

PHOTOS: Facebook/Roel Degamo, contributors

NANGAKO si Pangulong Bongbong Marcos na hahabulin ng gobyerno ang lahat ng responsable sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa isang witness, nagpupulong ang gobernador sa kanyang residential compound sa bayan ng Pamplona kasama ang ilang opisyal at beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) nang bigla itong pasukin ng anim na lalaking nakasuot ng Army uniforms at bulletproof vests at pinagbabaril sila.

Bukod kay Degamo, walong iba ang nasawi at 16 ang sugatan.

Dahil sa nangyari, nagbabala si Pangulong Bongbong sa mga suspek na sangkot sa pamamaril.

“My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” sey ng presidente sa inilabas na pahayag.

Dagdag pa niya, “I am warning all those involved in this killing: you can run but you cannot hide.”

“We will find you. If you surrender now it will be your best option,” saad pa niya.

As of this writing, tatlong suspek na ang naaresto ng mga pulisya.

Para sa kaalaman ng marami, isa sa malalapit na kaalyado ng pangulo si Degamo.

Sa isang Facebook live video, sinabi ng misis ni Degamo na si Pamplona Mayor Janice na naisugod pa sa ospital ang kanyang mister ngunit ito ay tuluyang binawian ng buhay ng bandang 11:41 a.m. nitong March 4.

“Governor Degamo does not deserve that kind of death. He was serving his constituents on a Saturday, along with his department heads,” ayon kay Mayor Janice.

Panawagan niya, “I hope the national government will be serious in seeking, pursuing justice for my husband. My appeal is to give my husband the justice he deserves.”

Read more:

Kris Aquino pumalag sa mga bashers: Kahit Pasko, pasensyahan tayo

Read more...