Bela Padilla nakabalik sa GMA after 9 years, nagpa-selfie kay Machete
MULING tumuntong sa GMA Network building ang aktres at direktor na si Bela Padilla makalipas ang siyam na taon.
Si Bela ang naging special guest last Friday, March 3, sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan masaya niyang binalikan ang mga hindi malilimutang alaala noong isa pa siyang Kapuso.
Nang makapasok daw uli siya sa Kapuso Network ay hindi niya sinayang ang pagkakataon na magpalitrato sa tabi ng estatwa ni Machete na naka-display sa lobby ng building.
View this post on Instagram
Sa mga hindi pa nakakaalam at nakalimot na, si Bela ang naging leading lady ni Aljur Abrenica sa TV version ng drama-fantasy na “Machete” na ipinalabas noong January 24, 2011.
In fairness, kabisado pa raw niya ang mga lugar sa GMA Network Center building at hinding-hindi raw niya makakalimutan ang tungkol sa umano’y multo sa isa sa mga elevator ng building.
Samantala, matatagalan pa ang pananatili ng dalaga sa Pilipinas bago siya bumalik sa London kung saan siya naninirahan ngayon.
Ito’y dahil nakapasok nga sa first Summer Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang “Yung Libro Sa Napanood Ko” kasama ang South Korean actor na si Yoo Min-Gon.
View this post on Instagram
Siya rin ang nagdirek ng movie at ipalalabas sa April 8 hanggang 18. Makakasama rin si Tito Boy sa naturang Summer MMFF 2023 entry for a very special role.
Natanong din si Bela kung siya ba ang tipo ng direktor na nagagalit, naninigaw o nagmumura sa set ng mga ginagawa niyang pelikula tulad ng ibang filmmaker.
“Lahat naman tayo may nakatrabaho na mga naninigaw sa set. Nararamdaman mo na galit na galit, so ikaw hindi ka makaarte kasi takot na takot ka na, e.
“Or yung tao na napagalitan sa set, hindi na makatrabaho nang maayos for the rest of the day kasi napapahiya so ayokong-ayoko na may nasisigawan sa set,” paliwanag ni Bela.
Gardo Versoza tinawag na ‘Machete’ si Yasser Marta, aprub ba sa inyo?
Bela Padilla walang awkwardness na naramdaman kay Zanjoe sa ‘366’: I already got passed that stage
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.