MULING bumisita ang aktres na si Bela Padilla sa bakuran ng GMA-7 makalipas ng siyam na taon para sa kanyang live guesting sa “Fast Talk With Boy Abunda”.
At sa kanyang pagbabalik ay hindi napigilan ng dalaga na alalahahin ang kanyang masasayang karanasan noong nasa pangangalaga pa siya ng GMA-7.
Agad ngang nagkuwento ang aktres ang isa sa mga palagi pinag-uusapan mula pa noon na may multo raw sa elevator ng gusali.
“‘Yung walang gustong mag-isa sa elevator kasi ang kwentuhan may multo sa elevator,” natatawang saad ni Bela.
Pabirong paalala niya pa kay Tito Boy ay huwag na huwag itong uuwi ng gabi para maiwasan ang multo.
Matapos ang kumustahan ay fast talk segment ay natanong ang aktres patungkol sa kanyang karera bilang isang direktor.
Ngayong 2023 kasi ay bahagi ang pelikula ni Bela na “Yung Libro Sa Napanuod Ko” ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival kung saan bahagi rin ang TV host at talent manager.
Pag-amin niya, may kaisa-isang rule lang siya sa kanyang set kapag nagdidirek.
“May isang rule lang ako sa set, bawal sumigaw. Kahit sino bawal sumigaw. So meron akong 5-minute walk so kapag masama na ‘yung pakiramdam mo, kapag mainit na ‘yung ulo mo, lakad ka muna ng 5 minutes,” lahad ni Bela.
“Kasi naaalala ko noong nagsisimula pa lang ako sa pag-aartista, may mga nakatrabaho ako… Siyempre lahat naman tayo may nakatrabaho na mga naninigaw sa set. Nararamdaman mo na galit na galit, so ikaw hindi ka makaarte kasi takot na takot ka na, e.
“Or yung tao na napagalitan sa set, hindi na makatrabaho nang maayos for the rest of the day kasi napapahiya so ayokong-ayoko na may nasisigawan sa set ko,” dagdag pa ni Bela.
Biro pa ng aktres, kung si John Lloyd raw ay may 3-month rule ay siya naman ay may 5-minute rule.
Bukod pa rito, napag-usapan rin nila na hindi porke madali kang umiyak ay mahusay kang artista.
“Siguro dahil nakatira na rin ako sa ibang bansa and ang dami ko nang napapanood na iba’t mga klaseng pelikula, napansin ko na hindi pala ‘yun totoo. There’s a way to make people feel your emotion without having to [cry],” pagbabahagi ni Bela.
Marami naman sa mga production crew ang gustong gustong katrabaho ang aktres dahil magusay raw itong makisama at talagang magaling.
Samantala, magaganap ang first Summer Metro Manila Fil Festival mula April 8-18.
Related Chika:
Bela Padilla malungkot sa kakulangan ng suporta sa Filipino film industry, nainggit sa South Korea
Bela swerte sa 2022: The universe conspired for me to be happy and to be complete!
Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya?
Bela Padilla natupad ang pangarap na mag-direk sa ‘366’