Ogie Diaz nilabag ang sariling kontrata, mula 30% naging 20% na lang ang komisyon kay Liza Soberano

Ogie Diaz nilabag ang sariling kontrata, mula 30% naging 20% na lang ang komisyon kay Liza Soberano
INAMIN ng talent manager na si Ogie Diaz na siya mismo ang lumabag sa kontrata nila ng dating alagang si Liza Soberano.

May kumalat kasing balita na 40% daw ang kanyang natatanggap na komisyon noon sa bawat kinikita ng dalaga kaya naman agad niya na itong nilinaw sa “Showbiz Update” vlog nila nitonf Biyernes, March 4.

“How I wish, forty percent… It’s not true at all. I was only getting twenty percent,”panimula ni Ogie.

Dagdag pa niya, “‘Pag ikaw nag-aalaga, nagma-manage ka, dapat pag-umpisa pa lang ng talent thirty na. Why? Kasi gagastusin mo siya. Para kang nagluwal ng sanggol na padededeen mo, bibihisan mo, tapos tuturuan mong lumangoy o lumakad.”

Ani Ogie, lahat raw ng itinuturo sa bawat talent ay binabayarang ngunit hindi nito sinisingil sa kanyang alaga dahil parte ‘yun ng kanyang trabaho bilang manager.

“‘Yung totoo kay Liza, thirty [percent] ‘yun. Pero ako na ‘yung lumabag sa sarili kong kontrata,” saad pa ni Ogie.

Nakita raw kasi ang pagiging masipag ng dalaga at pagpupursige niyo na makaipon at matupad kang kanyang mga pangarap para sa pamilya at ang goal nito.

“Hindi ako naawa, kundi sabi ko, ‘Ay, deserve ng batang to,’ kaya twenty [percent] na lang. Kaya 20 [percent] at alam yan ni Daddy John. From 25 ‘yun e. 30 naging 25 tapos naging 20 [percent]. Ako rin ang lumabag sa kontrata na ako ang gumawa para lang makaipon ang bata,” sey pa ni Ogie.

Nilinaw rin niya na hindi niya pinilit si Liza na tanggapin ang Filipino adaptation ng Korean series na “It’s Okay Not to be Okay” para sa kanya.

“Gusto ko na nga lang kasi gusto ko siyang makita ng mga fans talaga [na may project]. Hindi na ‘yun pera pera eh,” amin ni Ogie.

May mga paglilinaw rin siya sa kanyang naging talent na si Vice Ganda at sinabing kinausap siya noon ng Unkabogable Star para i-manage siya kahit maghati pa sila sa mga kikitain nito.

Pero hinindian niya ito at sinabing 20% lang rin ang kukunin niya sa kaibigan.

Related Chika:
Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: ‘For how many years ng walang interest!’

Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: ‘Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

Xian Gaza pinatunayang milyun-milyon na ang kinita ni Ogie Diaz sa real estate; Liza pumirma noon ng kontrata sa GMA?

Read more...