Person of interest sa Salilig hazing case, natagpuang patay

Person of interest sa Salilig hazing case, natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang isa sa mga tinutukoy na person of interest na sangkot sa hazing ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.

Kinumpirma ito mismo ni Laguna Police Director Col. Randy Glen Silvio sa INQUIRER.NET nitong March 3.

“Reported na patay na yung isang person of interest by hanging,” sey ni Silvio.

Ayon pa sa kanya, nasawi ang suspect of interest noong February 28, ang araw din nang natagpuan ang bangkay ni Salilig sa Imus, Cavite.

Kamakailan lang ay sumuko ang isa sa mga suspek sa tanggapan ni ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa Trece Martires City.

Kinilala siyang Daniel Perry, 23, isa ring estudyante ng Adamson.

Inamin ni Perry na isa siya sa mga naglibing sa bangkay ni Salilig.

“Kasama daw siya sa paghatid … tapos kasama din siya sa naglibing,” saad ni Remulla.

Sa ngayon, hawak na ng Cavite Police Provincial Office si Perry.

Samantala, una nang sumuko sa Biñan City, Laguna police ang anim na miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.

Kinilala sila na sina Earl Anthony Romero, Tung Cheng Teng, Sandro Victorino, Michael Lambert Ritalde, Jerome Balot at Mark Pedrosa.

Nahaharap ang anim sa reklamong paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018.

Magugunitang namatay ang 24-year-old na si Salilig dahil sa labis na pambubugbog sa babang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa witness, 70 na beses itong pinalo ng paddle matapos sumali sa hazing ng welcoming rites ng nasabing fraternity.

Namatay si Salilig noong February 18, ang kaparehong araw na siya ay nawawala.

Huli siyang nakita sa Laguna na papunta sa nasabing initiation, ayon sa mga pulis.

Read more:

https://bandera.inquirer.net/341594/isa-sa-mga-suspek-sa-salilig-hazing-case-sumuko-na-6-na-iba-pa-sinampahan-ng-reklamo

https://bandera.inquirer.net/316644/miss-na-miss-ko-na-mga-anak-ko-naluluha-po-ako-hindi-ko-na-naririnig-ang-kanilang-mga-hagikgik-at-tawa

https://bandera.inquirer.net/310355/neri-gwapung-gwapo-kay-chito-para-sa-akin-tinalo-niya-si-richard-gutierrez-at-papa-p

Read more...