Robi Domingo, Samantha Bernardo nagkuwento tungkol sa pagiging engaged

Robi Domingo, Samantha Bernardo nagkuwento tungkol sa pagiging engaged

Samantha Bernardo at Robi Domingo/ARMIN P. ADINA

CITY OF SAN FERNANDO, Philippines—Sinabi ng Kapamilya host na si Robi Domingo na nagbago ang buhay niya “definitely” makaraang mag-propose sa nobyang si Maiqui Pineda, habang nagkaroon naman ng “different kind of focus” ang beauty queen na si Samantha Bernardo ngayong engaged na sa nobyong si Scott Moore. Hiwalay na nangyari sa Japan ang mga proposal.

“One of the biggest changes I feel right now is out of a lot of uncertainties there is one certain in my life, and that is my fiancée,” sinabi ni Domingo sa Inquirer sa isang panayam sa Agora Event Center ng Thunderbird Resorts Poro Point sa lungsod na ito, madaling-araw ng Marso 3. Nandoon sila ni Bernardo pagkatapos mag-host sa 2023 Mutia ti La Union pageant.

Sinabi naman ng 2020 Miss Grand International first runner-up na, “I feel like it’s the same, but with a different kind of focus and priorities. I still do everything that I do, but I make sure that I have time for myself. So it’s still the same.”

Lumuhod si Domingo sa sikat na Shibuya Crossing sa Tokyo, ang pinakaabalang tawiran sa mundo. Samantala, natanggap naman ni Bernardo “ang singsing” sa loob ng isang liblib na kabinang pinaliligiran ng niyebe.

Sinabi ng “The Voice Kids” host na nasa kanya na ang engagement ring Pebrero pa lang ng isang taon. “The [COVID-19] pandemic helped me fortify my decision,” ibinahagi ni Domingo, dinagdag pang kinausap niya ang mga magulang upang talakayin ang malaking pasya.

Samantala, wala umanong kutob si Bernardo na magpro-propose si Moore sa bakasyon nila sa Japan. “I thought it’s (engagement) gonna be in two years. But then again, I realized that we survived the pandemic, I managed to represent the Philippines, he also allows me to be my own person by joining ‘Pinoy Big Brother.’ We were apart for three months. So, for me, it speaks volumes of his character as a person. And then our goals together, I think that’s where you’d feel na iyon na iyon, he’s the one,” aniya.

Nagplaplano na sina Domingo at Pineda para sa pagharap nila sa dambana, ngunit tumanggi ang host na magbigay ng anumang detalye, at kung gaano na sila kalayo sa paghahanda. “Just like ‘Kuya,’ Big Brother, would say, ‘malalaman ninyo sa takdang panahon,’” aniya.

Samantala, wala pang ginagawang anumang pagplaplano sina Bernardo at Moore. “We’re just enjoying the moment of being engaged. I guess it’s gonna be a long engagement,” sinabi ng beauty queen.

Related Chika:
Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya…

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Robi Domingo, Maiqui Pineda engaged na

Robi Domingo ibinandera ang inang tumulong sa restaurant staff: I can truly say my parents are my heroes!

Read more...