John Arcilla naglabas ng 'resibo', may nilinaw sa mga pahayag ni Erik Matti: We are friends | Bandera

John Arcilla naglabas ng ‘resibo’, may nilinaw sa mga pahayag ni Erik Matti: We are friends

Therese Arceo |March 01,2023
facebook
share this

John Arcilla naglabas ng ‘resibo’, may nilinaw sa mga pahayag ni Erik Matti: We are friends

Therese Arceo - March 01, 2023 - 08:04 PM

John Arcilla naglabas ng 'resibo', may nilinaw sa mga pahayag ni Erik Matti: We are friends

NAG-REACT na ang batikang aktor na si John Arcilla sa naging hinanakit sa kanya ng award-winning director na si Erik Matti.

Nitong February 27, nag-post ang aktor sa kanyang Instagram account na tila tanda ng kanyang pag-reach out o pakikipag-ayos sa direktor na nagtampo sa kanya.

Ipinost ni John ang compilation ng mga video clips ng kanyang mga nagdaang speeches sa mga award-giving bodies na binigyan siya ng parangal para sa pagganap nito sa pelikulang “On The Job: The Missing 8” kung saan hindi niya nalilimutang banggitin ang direktor pati na rin si Dondon Monteverde.

Si Erik kasi ang director ng critically acclaimed film habang ang producer naman nito ay si Dondon.

“THANK YOU @erikmatti please share and a Blessed Sunday to everyone,” saad ni John sa kanyang caption.

Tumagal ng isang minuto ang naturang video kung saan kasali ang mga naging talumpati niya sa 78th Venice International Film Festival (September 11, 2021); Wagi: A Celebration of Filipino Excellence sa CCP (February 18, 2022); Gawad Urian (November 17, 2022); at World Class Philippines 2022 (December 14, 2022).

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa ginawa ni John.

“Salute, Sir!! Nothing but respect,” saad g isang netizen.

Comment pa ng isa, “This is how a gentleman respond to a childish rant. SALUTE! And FYI, John is not ungrateful. He will never be.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)

“Buti na lang may resibo,” sey naman ng isang netizen.

Kahapon, February 28, nag-post rin si John ng larawan nila nina Direk Erik at Dondon.

Caption niya, “We are a Team and we are friends. @erikmatti @dondonmonteverde.”

Wala pa namang pahayag o komento sina Direk Erik sa post ni John.

Related Chika:
Erik Matti umalma sa ginawang ‘pambabastos’ ni John Arcilla, Star Magic

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’

Ryan Agoncillo, Jericho Rosales bibida sa prequel ng ‘On The Job’ ni Erik Matti

Kilalang aktor na dyowa raw ng designer ayaw nang makatrabaho ni Erik Matti, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending