Bembol Roco umamin: 'Salbahe ako sa magulang ko nu'ng kabataan ko, sobrang pahirap ang ibinigay ko sa kanila' | Bandera

Bembol Roco umamin: ‘Salbahe ako sa magulang ko nu’ng kabataan ko, sobrang pahirap ang ibinigay ko sa kanila’

Ervin Santiago |March 01,2023
facebook
share this

Bembol Roco umamin: ‘Salbahe ako sa magulang ko nu’ng kabataan ko, sobrang pahirap ang ibinigay ko sa kanila’

Ervin Santiago - March 01, 2023 - 06:43 AM

Bembol Roco umamin: 'Salbahe ako sa magulang ko nu'ng kabataan ko, sobrang pahirap ang ibinigay ko sa kanila'

Alfred Vargas, Ina Raymundo at Bembol Roco

“HUMIHINGI ako ng paumanhin sa lahat ng mga masasamang ginawa ko.”

Yan ang bahagi ng pahayag ng award-winning veteran actor na si Bembol Roco patungkol sa mga nagawa niyang mga pagkakamali noong kabataan niya.

Nakachikahan namin at ng ilang piling miyembro ng entertainment press ang premyadong aktor sa cast reveal-presscon ng pelikulang “Pieta” last February 26, na pinagbibidahan nina Superstar Nora Aunor, Alfred Vargas, Gina Alajar, Ina Raymundo at Jaclyn Jose.

Sa unang bahagi ng panayam ay natanong si Bembol Roco tungkol sa pagkakaaresto ng anak niyang si Dominic Roco sa isang buy-bust operation noong October, 2022.

Hindi raw talaga nagpa-interview si Bembol noong panahong iyon, “What for? Wala namang maitutulong ang press, e. Unang-una, di ba, bira sila nang bira, hindi naman nila inaalam ang facts. I didn’t see any reason why I would give any interviews to the press.”

“E sangkot nga siya, gumagamit siya. Pero hindi siya nagtutulak. No way!” mariing sabi ng veteran actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricardo Dominic Artadi Roco (@domroco)


Aniya, sa ngayon ay may officer daw na nagmo-monitor sa anak niya at binabantayan din si Dominic ng kanyang nanay.

Payo daw niya kay Dominic, “Na mag-iingat ka sa mga kinakaibigan, katulad nga niyang nangyari, di ba? Dahil sa hindi pag-iingat yun.”

Maayos na rin ang relasyon ng beteranong aktor sa kanyang mga anak na sina Dominic at Felix Roco matapos magkasamaan ng loob noong magkaroon siya ng ibang pamilya.

“Naayos ko na ang problema ko sa mga anak ko. A, medyo matagal-tagal na, kaya wala akong problema sa mga anak ko,” ani Bembol.

“Ang kinakatakutan ko para sa mga anak kong mga lalaki na walang asawa lahat, iyong apat, ang mapasok sila sa isang gulo na hindi nila inaasahan, o mapasama sa hindi magagandang mga karakter na tao.

“Ang sa akin, piliin n’yong maigi ang mga kinakaibigan niyo. At siguradong maraming papasok sa buhay nyo na nakiki-kaibigan lang at may iba pang pakay,” aniya pa.

Ilang beses na rin daw siyang umiyak bilang ama, “Oo naman. For many reasons and for many times. Pero masasabi kong hindi ako nagkulang (bilang magulang).”

Sinagot din niya ang tanong kung naniniwala siya sa kasabihang, “kung ano ang ginawa mo sa magulang mo, gagawin din sa iyo ng anak mo?”

“Sensitibo sa akin ang tanong na iyan, e. Salbahe akong bata. Salbahe ako sa mga magulang ko nu’ng kabataan ko.

“Sobrang pahirap ang ibinigay ko sa kanila, at alam ko yun. At nasabi ko sa kanila yun at nakahingi ako ng patawad sa lahat ng mga karantaduhang ginawa ko.

“Hindi totoo yung kung ano ang ginawa ko sa magulang ko, gagawin ng mga anak ko sa akin. Hindi ginawa ng mga anak ko! Malayo sa mga katarantaduhang ginawa ko noong kabataan ko. So para sa akin, hindi totoo yun,” lahad ni Bembol.

Pero nabigyan naman daw siya ng chance na humingi ng tawad sa mga magulang, lalo na sa kanyang nanay, “Bumalik ako sa kanya, 2006, at nagsisimula na yung Alzheimer’s niya at the time.

“At hanggang huling hininga niya, nandu’n ako sa tabi niya. Kinausap ko silang personal, di ba? Sinabi ko na hindi totoo yung mga paratang ko nu’ng kabataan na hindi ako mahal, etcetera, et cetera,” aniya.

“Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga masasamang ginawa ko. Dahil alam kong talagang naghirap sila sa akin,” sabi pa ni Bembol Roco.

Drug test muna sa mga artista bago sumabak sa trabaho…payag naman kaya ang mga taga-showbiz?

Dominic Roco inakalang mahirap kasama si Xian Lim: Napakabait palang tao, at hindi siya plastik

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Felix Roco ayaw talagang maghubo’t hubad sa ‘Secrets’: I just did it para matapos na kaagad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending