Lolit Solis sa mga artistang in denial sa pagkalaos: No more alibis, tanggapin ng wala ka na sa eksena

Lolit Solis sa mga artistang in denial sa pagkalaos: No more alibis, tanggapin ng wala ka na sa eksena

MUKHANG may patutsada ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa artista na ayaw tanggapin ang pagkalaos.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang artcard na may nakasulat na “Life becomes fulfilling only when you stop your expectations and start accepting the reality.”

Saad ni Manay Lolit sa kanyang caption, “Bakit ba mahirap tanggapin pag laos na o wala na sa eksena ang isang celebrity Salve ? Bakit hindi nila tanggapin with grace na hindi na tulad ng dati ang kasikatan nila.”

Aniya, bakit raw kailangan pa raw gumawa ng alibi o palusot samantalang pwede namang manahimik at mawala saglit sa eksena.

“Mag-enjoy sa retirement at huwag ng kung anuano pang dahilan ang sinasabi. Alam mo na hindi ka na sikat pag wala ng natatawa sa jokes mo, pag hindi na nadadala ng mga drama mo ang tao, pag wala ng interest sa mga sinasabi mo,” sey pa ni Manay Lolit.

Mas maganda pa raw na tahimik na lang itong tanggapin at baka mas respetuhin ka pa ng iyong mga kasamahan.

Talak ni Lolit, “Mahirap man tanggapin ito ang talagang reality, minsan nasa itaas ka, minsan nasa ibaba. Hindi ka puwede manatili sa itaas habang buhay, tiyak na meron kang kapalit, kaya huwag ng magpilit.

“Mabuti nga kung nalaos ka ng financially stable ka , at least hindi ka mukhang kawawa dahil may pera ka. Kaya no more alibis, tanggapin ng wala ka na sa eksena, laos ka na. Hayaan mo ng pumili ng kapalit mo ang network, huwag ng ipilit ang sarili.

“Kawawa naman kung malugi lang dahil sa iyo di ba, marami mawawalan ng trabaho, sad iyon di ba ? Bongga Salve at Gorgy, itatanong pa ba kung sino ang celebrity na ito, wah na di ba ? Bongga.”

Related Chika:
Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Read more...