Pinay kinoronahang Elite Mrs. International sa Malaysia | Bandera

Pinay kinoronahang Elite Mrs. International sa Malaysia

Armin P. Adina - February 27, 2023 - 02:19 PM

Sulit ang paghihintay ni Elite Mrs. International Michelle Vitug Encarnacion nang tatlong taon./ARMIN P. ADINA

SULIT ang paghihintay nang tatlong taon ng beauty queen na si Michelle Vitug Encarnacion sapagkat nagantimpalaan naman siya ng isang international crown, and unang Elite Mrs. International title para sa Pilipinas.

Nang masungkit niya ang titulo bilang Elite Mrs. Philippines International bago nagtapos ang 2019, pinaghandaan na niya ang pandaigdigang patimpalak na itinakda sa unang kwarter ng 2020. Ngunit naunsyami ito nang tumigil ang mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa wakas naiwagayway na niya ang bandera ng Pilipinas, at hinirang na unang Pilipinang Elite Mrs. International sa ika-16 edisyon ng Mrs. International pageant na itinanghal sa grand ballroom ng Thistle Hotel sa Johor Bahru, Malaysia, noong Peb. 26.

Si Encarnacion ang tanging Pilipinang kalahok sa patimpalak na may tatlong kategorya, at maaga siyang umalagwa. Isa siya sa limang kandidatang naunang pinapunta sa Singapore dahil sa pangunguna sa social media segment ng contest, at nagantimpalaan ng limousine tour sa city-state.

Si Michelle Vitug Encarnacion ang bagong Elite Mrs. International./MRS. PHILIPPINES INTERNATIONAL FACEBOOK PHOTO

Nasungkit din niya ang Best in International Costume award para sa “Natura” na likha ng Cebuanong si Axel Que. Itinanghal na rin siyang Best in Interview, ayon sa Mrs. Philippines International organization.

Bago lumipad si Encarnacion, sinabi ni Mrs. Philippines International National Director Maan Cueto Aris na panatag siyang masusungkit ni Encarnacion ang korona. “Her heart is pure, her soul is beautiful. You (Encarnacion) need a wider platform with an international scope,” sinabi niya tungkol sa reyna.

Nangako naman si Encarnacion na ibibigay ang lahat, sapagkat “this is about the country, it’s not just me or my province.” At dahil tatlong taong naghintay, ginugol niya ang panahon upang ipagpatuloy ang charity missions niya, na sinimulan na niya kasama ang Onesimo Foundation bago pa man magkaroon ng korona.

Siya ang huli sa mga reyna ng 2019 Mrs. Philippines International pageant na nakasabak abroad. Ang batchmates niya nag-uwi ng mga pagkilala mula sa kani-kanilang pandaigdigang patimpalak, at kinumpleto ito ni Encarnacion sa pagbibigay ng isang major crown para sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending