Wilbert Ross ini-report ang stalker na nasundan siya hanggang sa tinitirhang condo; Direk Easy Ferrer nahirapang magdirek ng sex scene | Bandera

Wilbert Ross ini-report ang stalker na nasundan siya hanggang sa tinitirhang condo; Direk Easy Ferrer nahirapang magdirek ng sex scene

Ervin Santiago - February 27, 2023 - 05:57 AM

Wilbert Ross ini-report ang stalker na nasundan siya hanggang sa tinitirhang condo; Direk Easy Ferrer nahirapang magdirek ng sex scene

Wilbert Ross at Rose Van Ginkel

HIRAP na hirap ang direktor na si Easy Ferrer sa pagdidirek ng isang sexy movie lalo pa’t nagsimula siya sa paggawa ng mga drama at romcom projects sa telebisyon at pelikula.

Challenging para sa kanya ang unang proyekto niya sa Vivamax, ang sex-drama series na “Stalkers” na pinagbibidahan nina Rose Van Ginkel, Wilbert Ross, Chloe Jenna, Rash Flores, Shienna Yu at Millen Gal.

“Yes, it’s not easy kasi hirap na hirap ako dahil may branding sila sa level ng sexiness na kailangang ma-maintain, so maraming requirements.

“Buti na lang, yung executive producer ko, inalalayan ako. Nanginginig ang kamay ko tuwing I’m shooting the sex scenes kasi wala naman akong experience sa heterosexual sex,” pag-amin ni Direk Easy.

“Buti inalalayan ako ng lahat ng tao sa set, pati yung mga artista. Sila mismo, tinutulungan nila ako sa mga eksena nila.

“They were all very collaborative. Ako nga ang nasa-shock sa suggestions nila, kapag sinasabi nilang why don’t we do it like this. Na mas bold and daring pa kaysa sa naiisip kong gawin,” sabi pa ng direktor.

Actually, kinokonsulta rin niya ang kanyang mga kasamahan sa produksyon bago gawin ang isang sex scene, “Yes, tinatanong ko lahat ng tao sa paligid ko, will you be aroused by this?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Easy Ferrer (@easyferrer)


“Kasi importante for me na alam kong bebenta siya sa viewers, kaya big challenge talaga for me doing the sexy scenes.

“Before we do each bed scene, I ask the EP (executive producer) kung nagawa na ba ito sa ibang Vivamax shows. Kapag sinabi niyang nagawa na, then binabago ko, kasi I want to show something new na hindi pa napanood ng Vivamax subscribers before,” sabi pa ni Direk.

“Lahat sila, ngayon ko lang nakatrabaho kasi most of the stars I’ve worked with before are taga-Regal.

“But although first time ko silang nakatrabaho, we all got along fine kasi very cooperative sila. Very committed sila sa craft nila kaya gumaan ang work ko as a director,” sabi pa ni Direk Easy.

Si Wilbert Ross ang gaganap na stalker ni Rose Van Ginkel sa serye at talagang na-excite ang aktor sa muli nilang pagtatambal ng sexy actress after a number of films.

“Kaya comfortable na kami sa isa’t isa. For this movie, I have to practice yung laging dilat ang mga mata ko. Kasi chinito po ako kaya maliit yung eyes ko and si Direk Easy, gusto niya lakihan ko yung mga mata ko,” sabi ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@itswilbertross)


Matapos gumawa ng ilang sexy movies, mukhang sanay na sanay na siya sa paggawa ng mga love scenes, “Naku, hindi ko po masasabing sanay na sanay na ako sa sex scenes. And I don’t know if masasanay ba ako ever doing such scenes.

“Siyempre, nakaka-conscious pa rin, but alang-alang sa ikagaganda ng movie or series, I am always willing to cooperate with our director,” ani Wilbert.

Nabanggit din ng aktor na minsan na rin siyang nagkaroon ng stalker, “Yes, lagi niya akong sinusundan, pati sa condo kung saan ako nakatira.

“Minsan, nakapasok siya hanggang sa elevator so ini-report ko siya sa building administrator at binawalan na siya (makapasok sa condo),” sey pa ni Wilbert.

Wilbert Ross sinabing importante ang sex education: Lalo na medyo mataas ang ating teenage pregnancy

Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending