P60-M jackpot sa lotto pinaghatian ng taga Laguna at Pampanga
ISANG 70-anyos na magsasaka ang isa sa dalawang nanalo ng P60 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola noong Oktobre 5.
Kinolekta kanina nang sinadyang hindi pinangalanang nanalo ang kanyang P30 milyong premyo kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang nanalo ay mayroong limang anak at taga-Laguna. Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang itinaya nang manalo ang mga numerong 06-01-31-23-13-11 sa bola noong Oktobre 5.
Plano niyang bumili ng bahay at lupa at maglalagay ng puhunan sa pagsasaka. Magtatabi rin siya ng pera para sa pag-aaral ng kanyang mga apo. Ang isa pang nanalo ay tumaya sa Angeles, Pampanga.
Pinayuhan ni Rojas ang nanalo na gamitin ang pera upang lalong mapabuti ang relasyon ng kanilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.