Lie Reposposa engaged na sa British boyfriend, request ng netizens: App reveal naman dyan!

Lie Reposposa engaged na sa British boyfriend, request ng netizens: App reveal naman dyan!

Lie Reposposa and Paul Joshua Marsden

“NAWA’Y LAHAT.”

Ito ang sey ng madlang pipol sa dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Lie Reposposa matapos nitong ibalitang engaged na sila ng British boyfriend na si Paul Joshua Marsden.

Nitong Biyernes, February 24, ibinahagi ni Lie sa kanyang Instagram account ang mga larawan kasama ang dyowa habang ibinabandera ang singsing na suot.

“It’s a YES. Parents approved,” maikling caption ng dalaga.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa publiko ang naturang “reveal” ng dalaga.

“ohmygooood congrats lie!!” sey ni Karina Bautista.

Saad naman ni Geneva Cruz, “Congratulations baby girl! So happy for you!”

“Ano to bakit ganon. Bakit parang ang unfair,” pabirong komento ng kapwa dating PBB housemate na si Lou Yanong.

Hirit naman ng isang netizen, “Nice nice sana all! App regeal naman dyan! Emz.”

Matatandaang nitong December 2022 lang nang surpresahin ni Lie ang madlang pipol nang i-flex niya ang afam na dyowa sa social media.

“Your my sun and moon your everything between in the middle of the stars collide with you,” caption niya sa kanyang post noon.

Lately ay palaging trending si Lie dahil sa mga sweet posts nito kasama ang kanyang fiance sa Thailand.

Bukod pa rito, inamin rin nila sa isang vlog ng dalaga na siya pala ang kauna-unahang ni Paul.

At ang latest nga ay talagang road to forever na ang dalawa dahil engaged na ito. Wala namang sinabi si Lie kung kailan nila planong magpakasal.

Related Chika:
Lie Reposposa ibinandera ang dyowang foreigner: You’re my sun and moon

Ex-PBB housemate ipinahiya ng teacher nang hindi makapagpasa ng portfolio; tinawag pang ‘feeling artista’

Ria Atayde kay Joshua Garcia: Happy birthday my former rumored boyfriend

Read more...