Ina Raymundo napa-throwback sa kaarawan ng bunsong anak: She’s the light of my world…

Ina Raymundo napa-throwback sa kaarawan ng bunsong anak: She’s the light of my world…

PHOTO: Instagram/@inaraymundo95

NAGING emosyonal ang aktres na si Ina Raymundo sa kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Minka Eve.

Sa Instagram post ni Ina, ibinandera niya ang throwback pictures kasama ang anak.

Kabilang na riyan ang pictures ng kanyang panganganak at ilang happy moments sa loob ng sampung taon.

Caption pa ng aktres, “10 years ago, this munchkin was born, 24/7 I never cease to adore.

“She’s the light of my world. The love of all [red, purple heart emojis],” dagdag niya.

Saad pa niya, “We call her ‘bunso’ and so proud to call her my own. Happiest 10th Birthday Minkaroo [red balloon emojis] Mama loves you so… [purple heart emoji]”

“Stay the way you are, Minka, you’re amazing and so lovable [heart emojis],” aniya.

Maraming netizens din ang nagpaabot ng pagbati para sa birthday ni Minka.

Makikita din sa comment section na mismong ang bunsong anak ni Ina ay nagpapasalamat.

“Thank you for all the greetings! I really appreciate it [red heart emoji],” comment ni Minka.

Matatandaang taong 2003 nang ikinasal si Ina sa Canadian-Ukrainian businessman na si Brian Poturnak.

Bukod kay Minka, ilan pa sa kanilang mga anak ay sina Jakob, Erika Rae, Mikaela at Anika.

Naging tampok si Ina sa teleseryeng “The Millionaire’s Wife” noong 2016 at nitong 2022 ay nagkaroon siya ng special role sa primetime series na “Bolera.”

Related chika:

Ina Raymundo, asawa, 5 anak tinamaan din ng COVID: Please keep calm, God is still in control

Read more...