Alodia ibinandera ang pagiging ‘supportive hubby’ ni Christopher, netizens napa-sana all

Alodia ibinandera ang pagiging ‘supportive hubby’ ni Christopher, netizens napa-sana all

PHOTO: Instagram/@alodia

PROUD na ipinakita ng cosplayer-actress na si Alodia Gosiengfiao ang pagiging supportive ng kanyang mister na si Christopher Quimbo.

Makikita sa isang Instagram post ni Alodia ang isang behind-the-scene video na kung saan ay tagahawak ng ilaw ang kanyang asawa.

Mapapanood din na tila napatulala pa si Christopher kay Alodia habang umeeksena sa mala-Harry Potter na tema ng video.

Caption ng cosplayer sa kanyang post ang katagang, “You’re my light.”

Dahil sa post ni Alodia, libo-libong netizens ang nag-react at napa-sana all sa effort na ginagawa ni Christopher para sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“He is so supportive [happy face with hearts emoji] sana all may ganyang hubby [red heart emoji],” sey ng isang netizen.

Comment ng isa pa, “awwww you guys makes magic! Your love outshines! God Bless your Marriage! [red heart emoji]”

Saad naman ng isa, “Napaka supportive… Nahanap talaga ni Boss A ang karapat dapat sa kanya and Iba ang glow ni Boss A, nagliliwanag!”

Kamakailan lang ay kinaaliwan ng netizens ang uploaded wedding photo ng mag-asawa na kung saan ay kasama nila ang kanilang principal sponsors.

Marami ang napa-wow diyan dahil talagang mga bigatin at kilala sa business world ang mga ninong at ninang ng dalawa.

Kabilang diyan sina Mr. Larry Chan at Mrs. Peggy Chan, Mr. Hans Sy at Mrs. Caroline Sy, Atty. Perry Pe at Mrs. Robina Gokongwei-Pe, former Senator Manny Villar at Senator Cynthia Villar, at ang celebrity doctors na sina Dr. Hayden Kho at Dra. Victoria Belo-Kho.

Nitong February 14 o Valentine’s Day ay ikinasal ang couple.

Noong Hulyo naman nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Related chika:

Arjo ayaw idamay sa gulo ng politika si Maine; Sylvia atat na atat nang magkaapo

Read more...