Victor Consunji, Rachel Carrasco spotted na magkahawak kamay

Victor Consunji, Rachel Carrasco spotted na magkahawak kamay
IBINANDERA ni Rachel Carrasco ang sweet moments nila together habang magkayakap at magkahawak kamay ni Victor Consunji.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang video nila ng real estate company founder na magkayakap at nagngingitian.

Mapapansing tila nag-uusap sina Rachel at Victor habang habang magkayakap at mayroon pa ngang nakatingin sila parehas sa camera.

“Wednesday night,” caption niya rito na may background music pang “Into Your Arms” na inawit nina Ava Max at Witt Lowry.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-post si Rachel ng larawan nilang magkasama ni Victor.

Sa katunayan, noong December 3, 2022, nag-upload siya ng photo kasama ang businessman na kuha sa Falaise d’Aval, isang seaside cliff sa Northern France.

Sa kabila naman ng sweet moments nina Rachel at Victor ay tuloy pa rin ang laban ng huli sa estranged wife niyang si Maggie Wilson.

May mga isinampang kaso si Victor laban kay Maggie gaya ng dahil sa diumano’y pagpapakalay raw ng fake news ng huli ukol sa kanila ni Rachel.

Sey pa nga ni Victor, dahil sa “malicious online attacks” ni Maggie ay desidido raw siyang ipatupad ang prenuptial agreement nila na pinalagan naman ng dating beauty queen.

Naglabas rin naman si Rachel ng hiwalay na pahayag patungkol sa mga posts sa kanya ni Maggie.

“As these instigated attacks persist, whether direct or indirect, I will have no hesitation to seek further legal action to ensure their safety and privacy,” lahad niya.

Sinabihan rin ni Rachel Carrasco si Maggie na idaan sa legal na proseso ang mga inirereklamo nito at harapin ang mga warrant of arrest ng pulisya sa kanya.

Related Chika:
Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson?

Netizens super aliw kina Maggie Wilson, Tim Connor at Victor Consunji: ‘Bardagulan ng mga mayayaman!’

Maggie Wilson naglabas ng resibo na wala silang pre-nuptial agreement ni Victor Consunji

Read more...