Sharon Cuneta never ginustong hindi sumikat si KC: Kung mayroon mang naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos

 Sharon Cuneta: Sinong matinong magulang lalo na kung artist aka ang gugustuhin mong anak pa ng ibang tao ‘yung sumikat kaysa sa sarili mong anak
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa biggest pain ni Sharon Cuneta sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Sa part two ng panayam ni Ogie Diaz kay Sharon Cuneta sa kanyang “Ogie Diaz Inspires” YouTube channel na in-upload ngayong gabi ay ipinagtapat ng Megastar ang lahat-lahat kung bakit madalas siyang umiyak pagdating sa panganay niya.

Matatandaang sinabi ni Shawie hindi sila magkasundo ni KC dahil pareho silang bullheaded, stubborn at strong-willed sa part 1 ng panayam, opposite sila ng ugali.

“Namimi-miss ko ‘yung dating relationship namin noong bata pa siya. Lumaki siya na never ko siyang sinasaktan physically.

“If ever adult na siya na siguro, a couple of times na hindi mo na kaya pero slight na hindi ako mapalong ina, so, I have three living witnesses pa, my three other children who can attest to that. E, may nakarating sa akin na, ‘ano! When did it happened?’” kuwento ng singer/actress.

Dugtong ni Ogie, “na na-hit mo siya (KC)?”

“Or something na physical or kung anu-ano kasi ang dami nga lumalabas na hindi kami magkasundo.

“Nilinaw ko na ‘yung isyu through you na mayroong pinakamasakit na nakarating sa akin na ayaw kong sumikat ‘yung anak ko!

“Sakit na sakit ako ro’n! Kasi sinong matinong magulang lalo na kung artist aka ang gugustuhin mong anak pa ng ibang tao ‘yung sumikat kaysa sa sarili mong anak?

“Kung may papalit sa ‘yo o susunod sa ‘yo, siyempre gusto mo ‘yung sa’yo di ba? Lahat na kasi ng rason pumapasok sa isip ko na ano kaya ang dahilan kung bakit malayo siya sa akin.

“That is a total lie!” diin ni Sharon. “Kung mayroon mang ganu’n naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos.

“Kasi buhay mo nga ibibigay mo, eh. Halos sumuka na nga ako ng dugo nu’ng maghiwalay kami ng papa niya hanggang band aid at ear drops ako lahat (gumastos). Kaya wala akong degree para magkaroon siya (NG kinabukasan).

“I know you know how hard I used to work pare di ba? Wala akong day-off? Kasi (para) sa future niya (KC). Kasi hindi ko naman alam kung gaano tatagal ang career ko.

“So, ‘iyon ‘yung mga pinakamasakit na nakakarating sa akin na baka kaya hindi kami magkasundo kasi (ayaw pasikatin).

“It was so shocking to hear certain things na never nangyari or never man lang dumaan sa isip ko na parang ‘wag mong pagkumpetisyunin ‘yung mag-ina.

“Unang-una, 19 years ang tanda mo sa anak mo, ‘yung roles na kaya niyang gawin hindi mon a kaya at ‘yung roles mo hindi pa niya kaya.

“Ngayon puwede na kasi she’s older na. Nu’ng nag-umpisa ‘tong (tsismis) bata pa siya! How’s sad di ba? Nahu-hurt ako sa ganu’n.

“’Yun naman ang pumapasok (isipan) ba’t may ganu’n kasama? Na ilalagay sa utak ng anak mo ‘yun? At ang prayer ko sana hindi siya maniwala,”pagtatapat ni Sharon kung bakit may isyu sila ni KC na hindi natatapos at matagal na niyang dalahin sa dibdib niya.

Tanong ni Ogie, “so, at this point, iyon pa rin si KC?”

Habang nagpapahid ng mga mata, “okay kami, minsan hindi, okay kami, minsan hindi na parang okay ngayon tapos bukas hindi. Tapos parang I don’t know anything about my eldest daughters’ life? Very little lang alam ko. Since bata siya hindi naman siya nago-open up sa akin unlike her siblings.

“Siguro siya na ‘yun. Siyempre gusto mong mag-open up sa ‘yo ang anak mo kasi iintindihin mo ‘yun, eh. E, si Miel nga di ba (nag out as Queer). Hindi ko alam bakit nagka-ganu’n (si KC).

“E, sa akin naman lumaki. Katulong ko ang mommy’t daddy ko, pero hindi naman siya exclusively lumaki sa lola niya. Sa akin siya nakatira kahit wala akong tulog makikipag-karera ako sa sportsfest ng school nila.

“Alam mong wala ka pang tulog, maliligo ka lang (tapos) makikipag-karera ka na alam mong pagod na pagod ka.

“Maalala sana niya lahat ng sacrifices ko, ‘yun lang. ang magulang naman gusto lang nila ng appreciation, respect, a little acknowledgement.

“Gusto kong maging mas successful pa sa akin si KC at lahat ng anak ko at hindi lang ‘yun, ms importante ‘yung maging happy sila,” paged=detalye pa ni Sharon kay Ogie.

Sa tingin ni Mega ay sumobra siya o nagkulang sa pagpapalaki sa panganay niya, tanong ng online host.

“Pareho! Kasi wala namang perpekto. Nagkulang ako sa oras kay KC pero kasi nagta-trabaho ako para sa kanya. Ayaw ko kasing maging sampid sa magulang kaya hindi ako umuwi sa daddy’t mommy.

“When Gabby and I separate sabi niya (daddy) pag hindi ka umuwi dito wala ka ng ama. Sabi ko, ‘sige daddy please understand that If I don’t do this now, I will never learn (and) I was 21 and umupa na ako ng condo, limang taon kami ro’n ni KC.

“After 8 months nakaipon na ako, parang nag-bless na ulit si Lord kasi akala ko parang co-terminus ang marriage ko sa career ko dahil sobrang mahal ng tao ‘yung love team namin (Sharon – Gabby)

“And for a while nahirapan talaga ako. And after two movies na nahirapan ako biglang eto na nagsimulang nagka-hits na ulit, naging topratet ang TSCS (The Sharon Cuneta show – ABS-CBN) tapos dumating na ‘yung commercials.

“After five years there, nakabili ako ng condo sa tabi niya (unit nila), nu’ng na-furnish ko pina-upa ko (at) doon ako umuwi sa mommy’t daddy ko na kasama siya (KC) dahil nakakaambag ako kahit ayaw ng daddy ko pinipilit ko. ayaw kong (maging) pabigat gusto ko gumaan ‘yung parents ko, gumaan ‘yung buhay nila because of me.

“Hindi ‘yung bumigat ang buhay nila na tingnan mo ‘to ang tanda na may dala pang anak. More than anything else, I want to set an example for KC na ang babae kaya mong magtrabaho kung masipag ka (at) hindi mo kailangan ng lalaki par buhayin ka,” Pagkukuwento ni Sharon sa naging journey nila ng panganay niya.

At ipinagmamalaki nga ni Sharon si KC dahil kahit minsan ay miles away ang layo nito sa mama’t papa niya ay kaya nitong mabuhay.

“Mabuti ang puso ng anak ko. Alam ko ang puso ng anak ko kasi nung bata ‘yan napaka-perfect, eh. napaka-bait, napaka-buting bata!

“So ngayon ko lang sasabihin kasi that’s my biggest pain! Parang anuman ang success mo sa buhay pero meron kang isang pinakamamahal na..ba’t ba hindi maayos-ayos permanently parang hindi ka kumpleto, hindi ka pa rin successful,” pag-amin ni Sharon sa relasyon nila ng anak.

Balik-tanong ni Ogie kung hindi pa ba sanay ang megastar na hindi nito nakikitang kumpleto ang apat niyang anak.

“Nasasanay na rin, pero siyempre hinahanap mo! Baby ko ‘yun, eh. Saka wala siyang kinalaman sa paghihiwalay namin ng papa niya,” giit pa.

Humingi ng dispensa si Sharon sa mga vuewers ng YT ni Ogie dahil iyakin daw siya at ito ang nararamdaman niya at hindi niya itinatago o makipag plastikan na laging perfect ang imahe niya sa tao.

Bakit ng aba sobrang iyak ni Sharon kapag dumating si KC o sinorpresa siya.

“Alam mo kapag matagal kayong hindi nagkita ng anak mo, mahal ka ng anak mo…ang laking parang nag-Christmas ganu’n. Happy tears. You need you kids to need you until they’re old.

“Alam mo at this point gusto ko na lang maging maligaya anak ko, saka hindi naman siya masamang tao. Napakabuti ng anak ko. she deserves happiness. Hindi lang talaga kami swak sa ugali.”

At dahil nga kulang din sa oras si Shawie noon sap ag-aalaga sa panganay niya dahil nga nagta-trabaho siya ay mas mahirap din sa parte ni KC na sa edad na 2 years and a half ay naghiwalay ang magulang niya na isang napakalaking balita sa buong mundo.

“Kaya nga sheltered na sheltered ko siya ayoko siyang mag-showbiz kasi pino-protect ko ‘yung heart niya at ‘yung pagkatao niya kasi hindi ko pa matantiya no’n kung kakayanin niya kasi kilala kami. May contest pa nga kung ano ang magiging pangalan niya o kug babae o lalaki (bago ipanganak ang dalaga).

“Ganu’n naman kasi ang showbiz na hindi pa ipinanganganak, sikat na (ang anak). So, she planned her own career, siya ‘yung kumuha ng managers niya, siya lahat ‘yun. Siya nagdesisyon sa career niya puwera ‘yung first commercial niya.”

Lagi ring bilin ni Sharon na nandiyan lang daw siya kung gusto ni KC mag-open pero mag gusto raw nito na sa mga kaibigan niya siya magkuwento ng mga saloobin niya.

“Kaya masakit sa akin. I miss her very much. Hindi ko sinasabi ito obviously hindi ko sinisiraan ang anak ko, anak ko ‘yun, eh. Inaaway ko nga ibang tao, di ba? kaya siguro ako naiiyak,m nami-miss ko ‘yung dating relationship namin,” saad pa.

Sabi rin ni Sharon sa tawag sa kanilang showbiz royalty.

“I’m sorry as far as I’m concerned, sorry ha sa akin na manggagaling ito, you’re showbiz royalty. You know I don’t think God put your papa and mama together for you to just end up like a child star tapos malilimot ng tao.

“So, do something with your life first na hindi showbiz and then when you come out, then you come out with a bang and that’s what happened,” say pa ni Sharon.

At klinaro ulit ni Sharon Cuneta na iyon lang ang biggest pain niya na hindi sila nagkakasundo ni KC at lagi ring kasama ang anak sa mga panalangin nilang pamilya kasama sina dating senador Kiko Pangilinan at ang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

 

Related Chika:
KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

Sharon Cuneta muling nakasama si KC sa US: A little happy during days of grieving

Wish ng fans: ‘Sana magbati na sina Sarah at Mommy Divine tulad nina KC at Mega’

Sharon Cuneta ibinandera ang pagiging proud nanay sa Hollywood movie ni KC: Show the world what you’ve got!

Read more...