NANININDIGAN ang BANDERA na hindi ito naglalabas ng mga maling impormasyon sa publiko at patuloy na sinusunod ang “responsible journalism” sa bawat ulat na inihahayag nito.
Nais bigyang-lnaw ng BANDERA ang naging pahayag ng Movie and Television Review and Clarification Board (MTRCB) hinggil sa umano’y “SPG rating” ng kontrobersyal na “MPL” music video ng mga content creator na sina Toni Fowler at Freshbreed.
Hindi nabanggit sa ulat ang ahensya ng MTRCB na inilabas noong Pebrero 17, 2023 at wala rin sa naturang report na sumailalim ang music video sa pagsusuri ng ahensya.
Agad kaming nakipag-ugnayan sa MTRCB upang bigyang linaw ang kanilang statement at upang ipaliwanag ang aming panig hinggil rito.
“The only reason why we cited Bandera was [because] sa kanila naka print [ang] interview. Wala naman penalty sa kanila we are just reminding,” ang paglilinaw ni MTRCB chairwoman Lala Sotto.
Ang sinasabi ni Chair Lala ay ang Facebook post ni Papi Galang kung saan nabanggit nito na “rated SPG” ang kanilang music video at ginamit lamang ito bilang general term dahil sa sensitibong nilalaman ng video.
Ito’y nangangahulugan lamang na bukas ang BANDERA sa panig ng bawat indibidwal na nabanggit sa controversial music video at nais lang nitong ihayag ang saloobin ng mga taong nasasangkot sa isyu.
Laging pinahahalagahan ng BANDERA ang pagbibigay ng patas at responsableng pamamahayag at patuloy itong maghahatid ng totoo at balanseng balita para sa publiko.
Related Chika:
Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma
Toni Fowler sa mga nagagalit sa ‘MPL’ music video niya: Kung ayaw niyo ‘wag n’yong panoorin
Pagpapalabas ng sex film na ‘Mang Kanor’ sa sinehan wala raw permit, MTRCB umalma
3 direktor ng Viva hindi pabor na makialam ang MTRCB sa mga pelikula sa digital platforms