FB page na nagpakalat ng fake news tungkol kina Dingdong at Catriona nag-sorry na

FB page na nagpakalat ng fake news tungkol kina Dingdong at Catriona nag-sorry na

Dingdong Dantes at Catriona Gray

SUSPENDIDO ang PH showbusiness department ng Pinoy History pagkatapos ipamalitang gagawa ng pelikula sina Dingdong Dantes at 2018 Miss Universe Catriona Gray under GMA Films na plano raw isali sa Metro Manila Film Festival 2023.

Nitong Biyernes, Pebrero 17, ay ipinost sa Facebook page ni Pinoy History ang larawan ni Catriona na naka-Maria Clara costume with matching payong at sinabing magsu-shooting na raw sila ni Dingdong anytime.

Ang caption sa post ni PH, “Papaano kung ‘di namatay si Jose Rizal?’

“Iyan daw ang titulo ng pelikulang pagbibidahan ni Dingdong Dantes, makakasama ni Dantes ang mga batikang aktor ng ating panahon kagaya nila Jean Garcia, Snooky Serna, Sandy Andolong, Hero Angeles at Robert Arevalo with Luis Alandy, Jason Abalos, Ariella Arida, Benjamin Alves, Ynna Assistio at Yayo Aguila.

“Kasama sa pelikula si Catriona Gray-Milby na gagampanan ang karakter ni Josephine Bracken, dito itutuloy ang kwento at isasalarawan ang magiging pamilya ni Jose Rizal at mga kaabang-abang na eksenang hindi pa nagagawa patungkol sa magiging buhay hanggang sa ito’y mamatay sa edad na 101 noong 1962.

“Kwentong tila babaguhin ang buong kasaysayan ng bansa. Magsisimula ang kwento sa Calamba kung saan may isang bata ay nagtanong kay Gloria Romero ‘Paano Lola kung ‘di namatay si Jose Rizal?’ Ang batang ito ay apo ni Gemma Cruz-Araneta, ang apo ni Jose Rizal sa kapatid nitong si Maria Mercado.”


Kaagad itong nag-viral at marami na ang pumik-ap at nag-share na umabot sa mahigit isang libo kaya kumalat na sa social media.

Tinanong namin ang manager ng ex-beauty queen na si Erickson Raymundo na kasalukuyang nasa San Francisco, USA kasama sina Moira dela Torre at Kyle Echarri para sa kanilang soldout US world tour na ginanap sa Fox Theater, Redwood City, Californa.

Sinagot kami ng Cornerstone honcho na hindi totoo ang project dahil walang offer at walang inquiry na kaagad din naming isinulat nitong Sabado, Pebrero 18.

Isang oras pagkatapos naming mag-usap ng manager ni Catriona ay nag-comment ang dalaga sa post ni Pinoy History at tinawag niya itong fake news.

Aniya, “Grabe naman this page, lagging fake news peddler. Wala akong part ng movie na to. Name ko po, Catriona Gray – hindi pa ako married. Kaloka.”

Marahil ay nawindang ang mga taong nasa likod ng Pinoy History page na ito na naghatid sila ng pekeng balita sa kanilang 1.2M followers kaya kaagad silang humingi ng apology kay Catriona.

Ni-repost ng Pinoy History ang komento ni Catriona sa kanilang FB page kaninang 1 a.m..

“An apology to Miss Catriona Elisa Ragas Will Magnayon Gray. (Soon Mrs. Milby).

“The News about Catriona is part of the movie ‘What if Jose Rizal did not die’ is not true,” ang paglilinaw ng nasabing FB account.

Bukod kay Catriona ay humingi rin ng apology si PH sa GMA Films at sa creative consultant ng Kapuso network drama department na si Suzette Doctolero na nag-react din sa kumalat na fake news.

Post pa ni Pinoy History, “We held meeting for the Pinoy History Showbusiness Department, we sincerely apologize to Catriona Gray, Suzette Doctolero and GMA Films for the wrong information we had in the last post about Ms Gray.

“We will ensure the verification and authenticity of the news before publishing it. Thank you for understansding it.

“As a result, PH-Showbusiness department will be suspended for posting.”

Habang sinusulat namin ang pagtutuwid na ito ng Pinoy History ay marami naman ang pumuring netizens sa kanila dahil tinanggap nila ang kanilang pagkakamali.

Say ni @Kenneth Pañares, “Yun Dapat Accept The Wrong Doing. Not To Pretend to be Right.”

Mula kay @Carl Steve, “You should, come up for the truthfulness and honest news since your page is for a Philippine history which is a branch of knowledge dealing with facts past events, a continuous, systematic narrative of past events as relating to a particular people, country, period, person, e.g and does not gain only to achieve more followers and subscribers.”

At tila nang-asar namang sabi ni @Amien Dan Pakundo, “Buti wala ng Milby, haha!”

Hayan naklaro na rin ang isyu kaya sarado na ang kuwento.

Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz

Janine biglang napaiyak sa presscon ng ‘Ngayon Kaya’: Nalulungkot ako…kaya when I get married, sana forever na

Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!

Read more...