Tadtad ng pimple | Bandera

Tadtad ng pimple

Dr. Hildegardes Dineros - October 09, 2013 - 10:00 AM

DOC, ano po ba ang dapat kong gawin sa mga acne ko at ano po bang mahusay na gamot para dito? —….9802

Ang kadalasang sanhi ng pimples ay dahil sa nagbabarang mga hair follicles oil glands. Sobrang pag-produce ng oil o sebum at ang iritasyon ng balat ay nagtatapos sa impeksyon. Linisin ang balat gamit ang mild na sabon na unscented o kaya ay meron ding mga over-the-counter creams na pwede mong ipahid o kaya ay ointment or lotion na mayroong BENZOYKL PEROXIDE.

Pwedeng dagdagan ng TRENITOIN at DALACIN C 100mg 1 cap daily for 1 month. Panatilihin ding malinis ang mukha, maghilamos palagi gamit ang mild o unscented na sabon para hindi mairita ang skin.

Good afternoon, Dr. Heal. Ang tanong ko lang po ay kung bakit ang isang tao ay hindi pa rin tumataba kahit marami naman siyang kumain. – Lira I. Panganiban, 16,
Boracay, ….9038

For sure ang daming naiinggit sa iyo dahil sabi mo kahit malakas kang kumain ay hindi ka naman tumataba. Isa sa maaaring dahilan ay mabilis ang kanyang metabolismo. Pwedeng natural lang ito sa kanyang katawan, nage-ehersisyo siya o kaya naman ay maaari ring meron siyang hyperthyroidism (sa mga susunod na isyu ay pag-uusapan natin ang topic na ito).

Doctor Heal, natanong ng barkada ko kung ano po bang pwede ipahid para sa maiitim na marka sa mukha para ito ay magkaroon ng pantay na kulay. Bigyan n’yo po siya ng gamot at anumang alternatibong paraan para dito. Salamat po at aasahan ko ang inyong mga sagot. – Aldee Francisco, 19, Makati City, ….4499

Kung sunspots o freckles ang sanhi ng hyperpigmentation, mahirap tanggalin ito dahil matagal na sunburn ito. Maaaring maiwasan ang pagdami nito sa pamamagitan ng paglalagay ng sunblock cream o lotion. Iwasan palagi ang matagal na exposure sa init ng araw lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Dr. Heal, di ako gaano makatulog sa gabi, pumayat din ako. Ano po ba magandang vitamins para tumaba ako? Sana po makatulong kayo. –
Rosalyn Dinglasa, 29, Bacolod City, …2354

Daytime ba ang work mo? Ano ang daily routine mo? Stressed ka ba? Ano ang weight and height mo? Hindi mapapalitan ng vitamins ang kakulangan sa tulog.
Pwede mong i-reset ang biorhythm mo sa pagtulog. Inom ka ng Propan with iron two times a day.
Salamat sa inyong mga tanong, harinawa ang aming mga sagot ay magdala ng lunas sa inyong mga karamdaman. Patuloy po kayong sumubaybay sa Dr. Heal column dito sa Bandera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending