HINDI makapaniwala ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nang maging subject siya sa isang thesis ng kanyang loyal fan.
Sa Twitter ay ibinahagi ni Eric John Joaquin Galang o si Wax ang larawan ng actress-singer habang hawak hawak ang kanyang pinaghirapang thesis.
“MGA MHIE!! NAKUHA NA PO NI ATE ANG THESIS NATIN! Sadly, I can’t afford an SSVIP ticket kaya pinaabot ko na lang po, pero grabe ang saya ng puso ko. Nakarating kay Regine ang pinaghirapan natin.
“Mahal na mahal kita ate @reginevalcasid! Sobrang galing mo kanina,” saad ni Wax.
MGA MHIE!! NAKUHA NA PO NI ATE ANG THESIS NATIN! 😭😭😭
Sadly, I can’t afford an SSVIP ticket kaya pinaabot ko na lang po, pero grabe ang saya ng puso ko. Nakarating kay Regine ang pinaghirapan natin.
Mahal na mahal kita ate @reginevalcasid! Sobrang galing mo kanina. ❤️🔥 #SOLO pic.twitter.com/omEyyEtiPB
— wax (@waxeegalang) February 17, 2023
“Oh this is such a wonderful gift sweethearts thank you. I never thought I’d be a subject to a thesis it’s really an humbling thank you,” reply naman ni Regine.
Ayon sa eksklusibong panayam namin kay Wax, ang kanyang thesis ay patungkol sa paggabay sa kasaysayang ng gay icon status ng Asia’s Songbird.
“Pinatunayan ng thesis na ito na hango sa kanyang mga baklang fans ang pagiging gay icon ni Ate Reg. Sinuri rin dito ang impluwensiya ng Asia’s Songbird sa buhay ng mga bakla niyang tagahanga at ang mga moments sa karera ni Regine na mailalarawan bilang bakla tulad na lamang ng kanyang Butterfly performance sa R2k concert,” pagbabahagi ni Wax.
Pag-amin pa niya, mula raw noong ginamit ang kantang “Shine” ni Regine bilang graduation song nila ay naging fan na agad siya ng singer at simula noon ay sinubaybayan na niya lahat ng mga kanta, movies, at mga palabas na kasama ang Songbird.
Kaya naman daw sobrang saya ni Wax nang makarating at makita niyang hawak na ng “Magandang Buhay” host ang kanyang thesis.
“Ibang level ng saya nung nakita kong hawak ni Ate Regine ang thesis ko. Hindi ko man siya nakasalamuha o naabot sa kanya ang thesis personally, sobrang ikinatuwa pa rin ‘to ng puso ko.
“Finally, maibabahagi ko sa kanya ang halaga niya sa buhay ko at naming mga bakla niyang tagahanga. Fulfilled ako na malaman niyang laman na rin siya ng akademya. Ganon siya ka-winner!” masayang pagbabahagi ni Wax.
Mamaya ay ang second night ng solo concert ni Regine na gaganapin sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit, Makati.
Related Chika:
Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie
Sa wakas, Jodi makaka-graduate na; pumasa sa final thesis defense
Regine Velasquez hindi raw tugma ang schedule kay Jane kaya hindi natuloy sa ‘Darna’
Hidilyn Diaz ibinandera ang pagpasa sa thesis defense; desididong makatapos ng college