Sa wakas, Jodi makaka-graduate na; pumasa sa final thesis defense | Bandera

Sa wakas, Jodi makaka-graduate na; pumasa sa final thesis defense

Ervin Santiago |June 07,2021
facebook
share this

Sa wakas, Jodi makaka-graduate na; pumasa sa final thesis defense

Ervin Santiago - June 07, 2021 - 01:05 PM

MASAYANG ibinalita ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa madlang pipol ang isa na namang  achievement na natanggap niya kamakailan.

Ayon kay Jodi, tagumpay ang kanyang final thesis defense last Saturday kaya sa wakas ay makaka-graduate na rin siya.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinahagi ng aktres ang litrato niya na kuha habang nagaganap ang kanyang virtual thesis defense sa Southville International School and Colleges kung saan kumukuha siya ng B.S. Psychology.

Ang inilagay niya sa caption ng ipinost niyang IG photo, “Wanted to share this with all of you! I passed my final defense this afternoon. 

“Being grilled for more than 3 hours was no joke, but I must say all the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent in front of the computer to source out materials for my paper, were so worth it. Marching soon!!” pahayag pa ni Jodi.

Samantala, nag-post din siya ng mensahe sa Twitter kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng nagdasal para sa kanya at sa mga nagpadala ng kanilang message of encouragement. 

“I want to thank everyone who prayed for me and those who sent messages of encouragement. Maraming salamat! Malapit na ang graduation!” sey ng aktres.

Kung matatandaan, taong 2017 nang ibalita ni Jodi na nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang pag-aaral at tapusin ang kanyang kursong Bachelor of Science in Psychology. Plano rin daw niyang kumuha ng Master’s degree.

Bukod sa pag-aaral, ginagawa na rin ngayon ni Jodi ang bago niyang serye sa ABS-CBN na “The Broken Marriage Vow.”

Ito ang inaabangang Philippine adaptation ng original BBC Drama na “Doctor Foster” (World of the Married ng Korea) kung saan bibida rin sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla sa direksyon ni Concepcion Macatuno, na siya ring nagdirek ng pelikulang “Glorious”. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending