Karylle nag-leave muna sa ‘Showtime’ bilang paghahanda sa musical play na ‘The Sound of Music’

Karylle nag-leave muna sa ‘Showtime’ bilang paghahanda sa musical play na 'The Sound of Music'

PHOTO: Instagram/@anakarylle

MAGPAPAHINGA na muna ang Kapamilya actress na si Karylle sa pagiging TV host ng noontime show na “It’s Showtime.”

‘Yan ay para makapaghanda sa panibago niyang proyekto, ang isang iconic musical play.

Tampok si Karylle sa Manila broadway run ng “The Sound of Music” na magaganap mula March 7 hanggang 26 sa Circuit Makati.

Sa Instagram post ng aktres, inanunsyo niya na nakapasa siya sa matinding audition ng nasabing play at gagampanan niya ang karakter bilang si “Baroness Elsa Von Schraeder,” ang kontrabida sa kwento.

Sa naging panayam ng TV Patrol kay Karylle ay kinumpirma niya na nag-file na siya ng leave of absence sa noontime show upang makapag-focus sa nalalapit na musical play.

“I already filed my leave, but for the rest of the cast, hindi ko pa nae-explain ‘yung demands ng show,” saad ni Karylle sa nasabing interview.

Makakasama rin ng actress-singer ang Pinoy-Norwegian actor na si Markki Stroem.

Sa Instagram, ibinandera ni Markki ang pagkatuwa nila ni Karylle sa unang araw ng kanilang trabaho sa broadway.

Caption niya, “Day 1 working for Broadway International Group @broadwayasia @gmg.productions for @soundofmusicontour and @anakarylle and I could not be more ecstatic!”

“Fantastic seeing the lovely people of the press again and got a hold of our scripts!,” aniya.

Magsisimulang mag-ensayo ang dalawang Pinoy celebrities sa mga susunod na linggo at makakasama nila ang iba pang international cast sa katapusan ng Pebrero.

Related chika:

Chris Hemsworth tigil muna sa showbiz, natuklasang prone magka-Alzheimer’s disease

Read more...