MUKHANG marami sa mga supporters ng real life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang umasa na engaged na ang kanilang mga iniidolo.
Kumalat kasi sa social media ang diumano’y report at aakalain mo sa unang tingin na legit dahil gamit nito ang logo at pangalan ng ABS-CBN.
“JUST IN: Liza Soberano and Enrique Gil are getting married! Indeed, a Happy Valentines to both of them,” ayon sa tweet.
Umani pa nga ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang post dahil sa pag-aakalang totoo ang chika.
“End Game indeed.. I miss then together on screen they’re my favorite couple. The last time I saw them together on screen was in 2019. I hope they will got a project again together,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “OMG!!! Congratulations in advance Mr. and Mrs. Gil!”
Pero sa kabila naman ng magaling na panggagaya ng Twitter account sa official account ng ABS-CBN News ay marami pa rin ang naging mapagmatyag at nalamang hindi naman totoo ang tweet patungkol kina Liza at Enrique.
“Nagulat ako ng slight susme. clickbait lang on the good side relevant pa rin ang couple, always,” sey ng isang fan.
Nilinaw na rin naman ng ABS-CBN News na fake news ang Valentine’s engagement nina Liza at Enrique. Nilinaw rin nila na hindi sila ang nagmamay-ari ng naturang account.
Matatandaang ang huling public interaction ng LizQuen ay noong nag-post ang aktor ng sweet birthday greeting para sa kanyang nobya.
“We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart. To the most beautiful soul in the world. To my best friend and baby, I love you so much. Happy Birthday!!” pagbati ni Enrique kay Liza.
Related Chika:
Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings
Enrique Gil kay Liza Soberano: We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart
Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James
Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?