Nadine Lustre ‘vlogger’ na rin, meron nang sariling YouTube channel

Nadine Lustre ‘vlogger’ na rin, meron nang sariling YouTube channel

PHOTO: Instagram/@nadine

MULA sa pagiging artista hanggang businesswoman, pinasok na rin ng award-winning actress na si Nadine Lustre ang mundo ng vlogging!

‘Yan ay matapos niyang i-anunsyo sa social media na mayroon na siyang sariling YouTube Channel.

Caption pa niya sa Instagram, “She has a Youtube Channel now [peace sign].”

Sa isang Twitter post naman ay sinabi niyang excited na siyang gumawa ng mga content sa bago niyang pagkakaabalahan.

Bagamat hindi pa niya idinetalye kung ano ang topics na gagawin niya ay nanghingi na siya ng suggestions sa kanyang fans.

Tweet niya, “I’m actually excited to do YT [heart hands emoji].”

“Please tweet me your content suggestions also!,” dagdag niya.

Excited din siyempre ang fans kaya agad na silang napa-comment sa post ni Nadine at narito ang ilan sa mga suggestions nila.

“Mamiiiii, You can travel vlog, show Siargao, promote save the trees project, etc,” sey ng isang fan.

Comment ng isang netizen, “Random activities on how you process your creativity when you’re in the island, in the city or out of the country, when you’re shooting a movie/tv series, endorsements, making music, and music videos.”

Sabi ng isang nag-comment, “I would love to see you getting ready while answering some questions from your fans.”

As of this writing ay nakapag-upload na ng intro video si Nadine sa kanyang YouTube channel at ang kanyang account naman ay umaani na ng mahigit 24,000 subscribers.

Ang huling milestone ng aktres ay ang pagkapanalo niya bilang “Best Actress” sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Disyembre matapos pagbidahan ang horror film na “Deleter.”

Related chika:

Bea nakipaglampungan na sa loob ng kotse; nanay nautot habang nakikipag-date

Read more...