Bea nakipaglampungan na sa loob ng kotse; nanay nautot habang nakikipag-date | Bandera

Bea nakipaglampungan na sa loob ng kotse; nanay nautot habang nakikipag-date

Reggee Bonoan |May 09,2021
facebook
share this

Bea nakipaglampungan na sa loob ng kotse; nanay nautot habang nakikipag-date

Reggee Bonoan - May 09, 2021 - 03:26 PM

PASABOG ngayong Mother’s Day ang “Never Have I Ever with my Mom” sa vlog ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel na in-upload nitong Sabado ng gabi.

Bumalik ng Beati Farm nila si Bea para muling makasama ang pamilya pagkatapos niyang mamahagi ng tulong sa mga kasama niya sa bahay niya sa Quezon City sa pamamagitan ng pa-games at sa delivery rider na naghatid ng pagkain nila, isama pa ang frontliner niyang supporter.

Ang pakilala ni Bea sa kanyang nanay, “The newest YouTube sensation, Mary Ann or Madam M.”

“Talaga ba Ms. Bea? Hello beautiful people dahil sa request n’yo, heto ulit ako,” bati naman ng ina ng dalaga.

Ang dami kasing natutuwa sa mama ng aktres kapag guest siya ng anak dahil maraming ibinubuking tungkol sa aktres.

Dati-rati raw kasi ay mga kapwa artista ang nagre-request na i-guest ni Bea ang mama niya, pero ngayon netizens na at mga taga-Zambales din.

“Nakakahiya naman, pero nae-enjoy ko naman,” masayang sabi ni Mommy Mary Ann.

Type ba niyang magkaroon ng sariling YouTube channel tanong ng anak, “Ay ayoko! Guest-guest lang sa ’yo. Dito na lang sa ’yo. Kay Bea na lang po tayo.”

“Never have I ever had a one-night stand”, I have ang sagot ng mama ni Bea samantalang siya ay never.

Napahiyaw si Bea sa sagot ng ina, “Oh my God! Ha-hahaha!”

“Kahit hindi ako maganda (taas ang kilay) ‘day! Pasensiya na tao lang, marupok!” paliwanag ni Madam M.

Tawang-tawa pa rin ang aktres at hindi makapaniwala sa nalaman sa ina.

Sa “Never have I ever nagsinungaling para late umuwi” ay parehong “I have” ang sagot ng mag-ina. “Lagi mo kaming tinatakot para umuwi nang maaga kahit hindi pa tapos ‘yung movie, nanonood kami ni Shaina (Magdayao) ng movies before. Basta’t 10 p.m. na dapat nasa bahay na kahit hindi tapos ang movie,” kuwento ni Bea.

Katwiran ng ina, “Kasi ‘yun ang type ko sa ‘yo, Cinderella type kasi bata ka pa.”

Hindi rin nagawang sigawan pa ni Bea ang ina sa takot na sapakin siya, “Hindi lang sasapakin baka untog pa kita sa pader,” kaswal namang sabi ng mama niya.

Sunod na tanong, “Never have I ever had a boyfriend that your mom doesn’t know about”. “I have” ang sagot ng mag-ina sabay hiyaw ni Madam M sa anak, “Sabihin mo na!  Umamin ka na!”

“Parang puppy love lang naman,” katwiran ng dalaga.

Sabi ng mama niya, “Mahirap lang kami nu’ng bata so kailangan kong magtinda ng kangkong. Along the way sa pagde-deliver ko ng kangkong nandoon ‘yung crush ko.

“My God! Alam n’yo gagawin ko, iikutin ko ang buong baryo ‘wag lang niya akong makita. Di ba hindi na nga ako maganda tapos makikita pa niya akong may pasan-pasan na kangkong.”

“Never have I ever drunk called someone”, “Ay never kasi hindi ako manginginom!” sambit ng mama ni Bea.

“Ako I have,” saad ng dalaga.

Sa “Never have I ever nakipaglambuchingan or make out sa kotse”, “Ako I have sa car,” sagot ng aktres.

Nagulat ang ina, “Oh my God!

Bea Alonzo, nakakahiya ka! Yaks, Diyosko (sabay ismid sa anak).”

Tawang-tawa naman ang aktres na tila nahiya rin.

Nabuking din na tumatakas si Bea kapag tulog na ang nanay niya dahil sa sobrang higpit nito na ikinagulat ng ina. Kailangan daw nangyari yun at paano nakalusot sa kanya.

Namamalo ng walis tambo, tingting at sinturon si Mada M kaya takot ang magkapatid sa ina na naging maganda rin dahil lumaki silang matino.

Tawang-tawa kami sa pag-amin ng mama ni Bea na first date palang nila ng boyfriend niya ay nautot siya at sa sobrang hiya ay nagkipaghiwalay siya dahil nakita niyang nabahuan ang guy kahit pa dedma lang.

“Siyempre nakakahiya, kaya kayo (viewers) bago kayo makipag-date, banyo-banyo na,” sabi ng mama ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Next, “Never have I ever sniffed your underwear to check if it’s clean.” Umamin si Madam M, “Ako kasi doon mo maano (malalaman) kung malinis ka bang babae, mabango ba ‘yung pinaghubaran mo. Wala akong nakikitang masama. Huwag n’yong ikahiya kung ginagawa nyo!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending