IBINANDERA ng netizen na si Reina Carisse Forteza-Abrigonda ang larawang kuha noong mag-Santacruzan siya kasama ang aktor na si Joshua Garcia.
Siya kasi ang naging muse sa Santacruzan habang ang aktor naman ang kanyang escort na during that time ay hindi pa pinapasok ang mundo ng showbiz.
“Kung alam ko lang na sisikat ka, sana pala sumagala na tayo simula Batangas City hanggang Mabini,” caption ni Reina sa larawan nila ni Joshua.
Agad namang nag-trending ang larawan ng dalawa sa social media.
Pagbabahagi ni Reina sa kanyang interview sa pep.ph, iyon raw ang una at huling pagkikita nila ni Joshua.
Ito raw ay naganap noong Agosto 2012 sa San Roque, Bauan, Batangas na hometown ng binata.
Kwento pa niya, wala naman daw talaga siyang partner noon ngunit may lumapit raw sa nanay at tinanong kung pwede bigyan siya ng escort.
“Di ko lang po in-expect na ang pogi po pala ng ka-partner ko at si Joshua Garcia po yun,” sabi ni Reina.
Dagdag pa niya, “Head turner na po talaga siya nun. Malakas po talaga appeal niya kahit dati pa.”
Bagamat maikli lang raw ang pagsasama nila at hindi na naulit pa, tandang tanda pa niya ang mabuting pagtrato sa kanya ni Joshua.
“Masayang-masaya po ako na naging escort ko siya sa sagala bago siya sumikat nang sobra. At hindi lang kame basta naglakad, napaypayan niya pa ako,” proud na sabi ni Reina.
Mensahe naman niya sa binata, “Hi, Joshua! Sana tanda mo pa ako. Sana masaya ka sa mga naging desisyon at narating mo sa buhay.
“I hope magkaroon ka pa ng maraming projects. Nandito lang kaming mga supporters mo para sa yo palagi.”
Related Chika:
Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila
Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…
May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?