Angelica emosyonal sa binyag ni Baby Bean: ‘Grabe, naiiyak ako kasi ganito pala ‘yun…’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gregg Homan, Angelica Panganiban at Baby Bean
IYAK nang iyak si Angelica Panganiban nang finally ay mabinyagan na ang anak nila ng kanyang fiancé na si Gregg Homan.
Hindi napigilan ng Kapamilya actress ang maging emosyonal habang nagkukuwento tungkol sa star-studded na binyag ni Bany Amila Sabine.
In fairness, puro sikat ang ninang ni Amila o Baby Bean, kabilang na nga riyan sina Anne Curtis, Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, Kim Chiu at Bela Padilla.
Present din sa binyagan ang mga celebrities na close ka Angelica tulad nina John Prats, Isabel Oli, Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio, Lauren Dyogi at Direk Andoy Ranay.
Sa bagong vlog nina Angge at Gregg sa kanilang YouTube channel na “The Homans” ay makikita nga ang pagluha ng aktres habang binibinyagan ang anak, “Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi ganito pala ‘yun.”
“Gusto ko lang magpasalamat. Thank you for taking time at nandito kayo sa binyag ni Bean. Hindi lang ito binyag talaga ni Bean.
“Special din itong araw na ito dahil exactly one year ago, nalaman namin na buntis ako,” mensahe ni Angelica.
Aniya, mas naging espesyal pa ang binyag ni Baby Bean dahil sumabay ito sa birthday ng kanyang inang si Annabelle.
“Our little family is truly grateful for everyone, your presence at our child’s baptism reminded us that she is loved by so many and surrounded by kind people, You guys are
Isinilang ni Angelica ang unang anak nila ni Greg last September, 2022 habang ibinandera naman nila ang kanilang engagement pagsapit ng October, makalipas ang mahigit dalawang taong relasyon.