Gigi de Lana handang magpakalbo para sa inang may stage 4 breast cancer: ‘Ang gusto ko masabayan ko siya sa journey niya’

Gigi de Lana handang magpakalbo para sa inang may stage 4 breast cancer: 'Ang gusto ko masabayan ko siya sa journey niya'

Gigi de Lana at Imelda de Lana

HANDANG magpakalbo ang Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana alang-alang sa kanyang inang patuloy na nakikipaglaban sa sakit na cancer.

Nag-goodbye muna ang dalaga sa kanyang long hair para sa kanyang pinakamamahal na inang si Mommy Imelda na na-diagnose ng Stage 4 breast cancer.

“I decided to cut my hair, sinabi ko na lang new look. The main reason was my mom. She is doing chemo. Ang gusto ko masabayan ko siya sa journey niya,” simulang pahayag ni Gigi sa panayam ng ABS-CBN.

Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

“Actually, dapat nga magpapa-boy cut ako. Lahat naman ng girls, bagay ang long hair.

“It’s our crowning glory talaga. I didn’t tell my mom the reason I cut my hair short. Siya kalbo na.


“She was always into self-pity. Ayokong malaman niya. She might say, ‘Sana hindi mo na lang ginawa.’ Baka kaya napangitan ang mga tao, kasalanan ng mom ko.

“I am still an artist and a singer. But even if I’m not, magpapakalbo pa rin ako. I just want to say that whatever your choice is, you are still beautiful inside and out,” paliwanag ng dalaga.

Abot-langit din ang pasasalamat ngayon ni Gigi dahil unti-unti nang bumubuti ang kundisyon ng kanyang nanay at patuloy na nagdarasal ang kanilang pamilya na tuluyan na itong makaka-survive sa cancer.

Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako

Samantala, nagkuwento rin si Gigi tungkol sa kanyang grupong Gigi Vibes na hindi lang dito sa Pilipinas humahataw sa mga concert at live performance kundi maging sa ibang bansa.

Pero aniya, marami rin silang na-encounter na challenges lalo na noong nagsisimula pa lang sila sa music industry at wala pang napapatunayan sa madlang pipol.

Pag-amin ni Gigi, “Hindi biro ang pinagdaanan namin this pandemic. Kahit sino naman. The first name na naisip ko, Kabogera Vibes. Pero hindi na-approve ng lahat.

“Because of my name, Gidget, we decided on Gigi Vibes.

“Our story is really special. Hindi lang kami puro saya. It’s normal for a relationship like ours. Babae ako. Very emotional creature ako. Very sensitive din.

“The boys are also sensitive, but not as sensitive as I am. Pero nagtagal kami kasi nakapag-adjust sila sa ugai ko.

“Very thankful ako sa boys ko kasi never nila ako iniwanan, kahit minsan tinotopak ako. Madalas, lagi. Pare-parehas kaming nag-a-adjust.

“Nag-aaway din kami, but we don’t stay long in that negative thing na ‘yun. We fix our relationship. We talk to each other kung ano nangyari. I can say that our band is really strong. We are very thankful that we are still here,” pagbabahagi pa ni Gigi.

Pag-alala pa niya, “So when I met these guys, they advised me to learn how to sing standard songs. Kahit hindi ko sila kadugo, mahal ko sila.

“Kahit ano ang flaws nila, mahal na mahal ko sila. Ganu’n talaga. I won’t change anything,” chika ng biriterang singer.

Pangarap ni Gigi de Lana tinupad ni Regine: Bata pa lang ako idol ko na talaga siya

Read more...