Bb. Pilipinas queens nagbabalak ng ‘Galentine’s Day’
DAHIL single ang karamihan sa reigning Binibining Pilipinas queens, nagbabalak na lang silang magdaos ng “Galentine’s” kapiling ang isa’t isa ngayong Araw ng mga Puso.
“I don’t have a significant other, so I’m planning to celebrate Valentine’s Day with my family, and hopefully my Binibini sisters, because it’s in the works. We have been talking about it and hopefully our get together will be on Valentine’s Day,” sinabi ni Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong sa Inquirer sa isang panayam sa final screening para sa mga aplikante ng 2023 pageant na isinagawa sa New Frontier Theater sa Araneta City sa Quezon City noong Peb. 6.
Umaasa si second runner-up Stacey Gabriel na mapanood ang “Magic Mike” kasama ang mga kapwa reyna, “because most of them are single, I’m not. But he’s not here.” Ibinahagi niyang kamakailan lang niya natagpuan ang isang binatang may “genuine soul connection.”
Ngunit pinaalalahanan niya ang mga single, kabilang ang mga kapwa niya reyna, na huwag mag-alala. “I’ve been single 25 years. So if you’re spending Valentine’s Day single, embrace it. I loved my singlehood, I made ‘Galentine’s’ with my best girlfriends.”
Si Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo ang isa pang reynang may karelasyon, ngunit hindi pa tiyak kung sino sa kanila ng nobyo niya ang lilipad. Kasalukuyan kasi siyang nasa Maynila upang gampanan ang mga tungkulin bilang reyna, habang naiwan sa Cebu ang kasintahan.
Sinabi naman nina Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano at Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez, na kapwa single, na nagbabalak din silang ipagdiwang ang Valentine’s Day kapiling ang kani-kanilang pamilya.
Ngunit may matinding payo si Borromeo sa mga Pilipinong single, kabilang na ang mga kapwa niya reyna, upang samantalahin ang pagdiriwang: “Be sure to ask. It’s Valentine’s Day, it’s a special occasion. Take the time to ask, ‘Wanna be my Valentine?’”
Nagbahagi naman ang single na si Fernandez ng payo niya para sa mga nasa relasyon: “There are many reasons to spend Valentine’s Day, but you can always go out and not spend too much.” Hinikayat din niya ang mga magkasintahan na pumunta sa mga parke, o dumalaw sa mga museo “so you can also learn at the same time.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.