Text at Photos ni Ervin Santiago
* * *
ISA si Kris Bernal sa pambatong leading lady ng GMA 7. Hindi maitatanggi na after Jennylyn Mercado ay si Kris na ang maituturing na pinaka-successful na produkto ng Starstruck. Si Kris din ang binansagang Princess of Drama ng Kapuso network dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte. Talagang tinalbugan niya nang bonggang-bongga ang mga Starstruck winners na sina Jewel Mische at Ryza Cenon dahil siya pa lang ang nagkaroon ng malalaking soap opera at pelikula. Pero aminado naman si Kris na malungkot siya ngayon dahil sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica, bubuwagin na ng GMA 7 ang kanilang loveteam at ipa-partner na sila sa iba. Sa kabilang banda raw ay feeling blessed pa rin siya dahil isang Brazilian-Japanese hunk model na pinapantasya ng mga babae’t bading ang ipapalit ng Siyete kay Aljur, si Daniel Matsunaga na siyang makaka-loveteam niya sa Sunday afternoon series na Love Bug Presents ish Come True. Basahin natin ang one-on-one interview natin kay Kris Bernal. BANDERA: Ang ganda-ganda mo ngayon, bakit? KRIS BERNAL: Ganu’n? Wala lang. Happy lang. ‘Yun naman ang mahalaga, di ba? Dapat araw-araw kang happy, para walang mga nega. B: Bakit maligaya ka ngayon? Ano ba ang nagpapasaya sa ‘yo? KB: E, kasi, kumbaga ito nga nabigyan ako ng bagong show, nabigyan ako ng chance na makapareha si Daniel Matsunaga, parang ibang path naman ng career, hindi lang ako nakatutok sa isang loveteam, nag-e-experiment ang GMA para mabigyan ako ng iba pang opportunities, and maganda ‘yun dahil nagagawa ko ‘yung ibang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. B: Napag-usapan n’yo ba ni Aljur ang paghihiwalay n’yo bilang loveteam? KB: Oo, naman po. Napag-usapan talaga namin and talagang nalungkot kami pareho. Nu’ng last taping nga namin, alam mo ‘yung kahit madaling-araw na, kahit umaga na, ayaw pa rin naming umuwi, kasi ito na ‘yung last taping namin together, iba na ‘yung makakatrabaho namin after this. Talagang buong araw, kapag may free time, lunch break, dinner break, kami ang magkasama, tapos inalagaan niya talaga ako nu’ng araw na ‘yun, maghapon niya akong inaaliw talaga. B: Mami-miss mo si Aljur? KB: Sobra! Grabe si Aljur, talagang nakasanayan ko nang kasama siya, ‘yung ugali niya, mga kilos niya, memorize ko na. Mami-miss ko talaga sa kanya yung pagiging malambing niya. Makulit ‘yun, e. Yun ‘yung ugali ni Aljur na talagang nagustuhan ko sa kanya, hindi ka malulungkot kapag kasama mo siya. B: May iniregalo ba sa iyo si Aljur nu’ng last taping day n’yo sa The Last Prince? KB: Meron, wallet na Louis Vuitton. Sosyal ang lolo mo, di ba? Yun ‘yung last gift niya sa akin. Nagulat nga ako, e. kasi nangongolekta talaga ako ng designer bags, di ba? Pero ayaw na ayaw niyang gumagastos ako para du’n. Pinapagalitan niya ako, kaya nagulat ako nu’ng ibigay niya sa akin ‘yung LV na wallet. Tapos sabi niya, kung yun daw ang magpapasaya sa akin, talagang binili niya for me. B: Naiyak ka ba nu’ng tinanggap mo na ang wallet? KB: Oo, grabe! Kasi hindi ko talaga in-expect. Kasi pinapakita ko lang sa kanya sa internet ‘yung wallet na ‘yun, sabi ko sa kanya, ito ‘yung favorite kong wallet, gustung-gusto kong bilin ‘yan, tapos ‘yun na, binili nga niya for me. B: E, ikaw, anong regalo mo kay Aljur? KB: Binili ko siya ng watch, na parang ang message nu’n, parang ang bilis-bilis ng panahon, akala natin nagsasawa na tayo na magkasama tayo araw-araw sa trabaho, sa gimik, pero ngayon pa lang nami-miss na namin yung samahan. B: So, ngayon may bago ng lalaki sa buhay mo, si Daniel Matsunaga, anong feeling na ang kinababaliwan ng mga girls at bading ay ka-partner mo na ngayon? KB: Nu’ng malaman ko nga na magkakaroon ako ng bagong ka-loveteam, natakot ako, pressured ako, kasi feeling ko, mag-aaral uli akong umakting, feeling ko baguhan uli ako. Kasi kailangan kong kilalanin uli ‘yung bagong makakasama ko, kailangan kong pag-aralan ang ugali niya, ang mga kilos niya, talagang ninerbiyos ako. Pero natuwa rin ako, kasi si Daniel nakatrabaho ko na sa The Last Prince din, kumbaga parang gamay ko na rin kahit paano ‘yung ugali niya, ‘yung mga kilos niya, kung paano siya umarte. So, happy ako na nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya. At happy ako dahil at least, yung level ni Daniel, di ba? Tapos ako ang napiling maka-loveteam niya, lalo na rito sa Love Bug. B: Kumusta katrabaho si Daniel? KB: Ang bait niya. Nu’ng una talaga, akala ko mayabang siya. Una ko siyang nakita sa Cosmo bachelor, nu’ng sinuportahan namin si Aljur, tapos super crush ko na siya nu’n, then tinanong ko si Aljur, sino yung rumampa na ganyan-ganyan, nasa harap lang namin that time si Daniel sabi ko, ‘Pakilala mo ko sa kanya, dali-dali!’ Talagang kinukulit ko si Aljur. Tapos nagulat ako, nu’ng malaman ko na si Daniel yung gaganap na taong lobo na magkakaroon ng love interest sa akin. Bongga, di ba? So, talagang na-excite ako! Nu’ng makaharap ko na siya, sabi ko, gosh! Ang guwapo-guwapo talaga niya! Akala ko hanggang du’n lang, guwapo, mayabang, pero kapag nakasama mo na siya, kulang na lang talaga, pag-aralan na niya ang Tagalog dahil sobrang type na niya rito sa Pilipinas. Nagpapaturo talaga siya ng mga Tagalog words para makausap niya kaming lahat. B: Ano na ang mga ginawa ni Daniel sa ‘yo na na-touch ka? KB: Siguro yung nasa Singapore kami. Kasi doon wala akong kasamang yaya, wala akong PA, ako lang talaga tsaka handler ko, hindi ko akalain na ganu’n siya ka-gentleman. Alam mo ‘yung sabihin ko lang na nagugutom na ko, mamaya may ice cream na diyan, bumili na siya ng pagkain. Kapag nauuhaw ako, bibigyan niya agad ako ng tubig, ng juice. Nakakatuwa kasi sa akin lang siya ganu’n. Talagang binibilhan niya ako ng mga needs ko. Tapos kapag may kailangan akong abutin sa mga maleta ko, siya na ang kukuha at magdadala sa akin. Sobrang bait niya talaga. Ang prolema lang, kapag kausap ko na si Daniel, limited lang ‘yung words ko dahil English nang English, di ba? Minsan hindi mo pa masyadong maintindihan dahil nga slang na slang. Hahahaha! B: Sobrang kinilig ka raw sa mga halikan n’yo ni Daniel sa Love Bug? KB: Medyo! Hahahaha! Ikaw ba naman aarte pa, di ba? Choosy pa ba? Marami-rami rin ‘yung kissing scene namin. Sa totoo lang, ang weird ko nga, e. Talagang sobrang conscious ako, super toothbrush, super mouthwash talaga ako bago kunan ‘yung mga halikan namin. Pero ganu’n din naman ako nu’ng kami ni Aljur, pero parang mas OA ako ngayon. Kasi after nu’ng kissing scene namin ni Daniel, parang naisip ko, gosh, si Daniel Matsunaga na ito, crush ko lang ito noon sa Cosmo bachelor tapos ngayon ka-kissing scene ko na? Ano ba? Pinangarap ko lang siyang makilala noon, tapos this is it na! Tawa nga ako nang tawa, kasi after nu’ng kissing scene namin, pinagsasabunutan ako ng mga bakla sa set, ‘Ang landi mo! Ang suwerte mo girl! Lumalamang ka na!’ B: Wala ka bang boyfriend? KB: Wala talaga. Alam mo ‘yung issue kay Jay (Perillo), hindi ko alam kung bakit, kasi friend ko lang talaga siya. Si Jay kasi, nakilala ko siya sa Bandaoke, nag-guest ako du’n. Yun lang, tapos naging magka-text na kami, pero kumbaga, parang nakahanap lang ako ng lalaking friend, na puwede kong lapit-lapitan, puwede kong maka-jam. Yung ganu’n lang. Aaminin ko, nagsasama kami, kumakain kami sa labas, pero ‘yun lang ‘yun. B: E, bakit sa iPhone mo, si Jay daw ang screen saver mo? KB: Hindi, kasi ‘yung phone ko kasi, may drama siya na lahat ng nasa album ko, yung mga pictures, nagpapalit-palit siya as wallpaper, parang slide show. Kaya ‘yung nakita nila, eksakto siguro, ‘yung picture ni Jay yung lumabas, tapos na-issue na.
Bandera, Philippine Entertainment news, 062210
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.