Jane ipinagtanggol si Celeste sa mga nagsabing kaya minalas sa Miss Universe ay dahil sa Darna costume; wish nakatrabaho si Paulo at Piolo
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Celeste Cortesi at Jane de Leon
IPINAGTANGGOL ni Jane de Leon si Celeste Cortesi sa lahat ng mga taong nangnega nang rumampa ang dalaga nang naka-Darna costume sa Miss Universe 2022 grand coronation night.
Marami kasi ang nagsabi na kaya raw minalas at hindi man lang nakapasok sa Top 16 ang Filipina beauty queen ay dahil sa napili nitong isuot sa National Costume competition.
Sa finale presscon ng Kapamilya action-fantasy series na “Darna”, nahingan ng reaksyon si Jane tungkol sa pagsusuot ng Darna costume ni Celeste sa Miss Universe pageant.
Sey ng dalaga, “Sobrang kinikilig talaga ako for Celeste and I’m really happy. Kasi, especially ‘yung hair niya, hindi siya helmet and super bagay talaga sa kanya.”
Ngunit, tulad niya ay inokray din ng nga bashers si Celeste nang isuot nito ang iconic Darna costume. Anila, may hatid daw itong jinx o kamalasan kaya nganga at nalaglag agad ang bet ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant.
“I think, it’s not about the Darna, it’s not about the costume. I think, it’s not the right time for her for now.
“Pero, I believe kay Celeste na meron pa siyang ipapakita sa ating lahat. Hindi lang ngayon, but soon, I really believe,” pagtatanggol pa ni Jane kay Celeste na incidentally ay umeksena nga sa ending ng “Darna” last Friday bilang Queen of Marte.
Samantala, sa pagtatapos ng “Darna” nitong Biyernes, abot-langit pa rin ang pasasalamat ni Jane sa ABS-CBN dahil sa kanya ipinagkatiwala ang bato ng iconic Pinay superhero.
“Noong before Darna ko po kasi, siyempre, ‘Bakit siya?’ ‘Hindi siya deserving.’ But I’m really thankful na simula na mag-air ang Darna, ‘yung mga bashers ko, naging fans ko na rin.
“And ang daming sumuporta. That’s why sobrang nagpapasalamat po talaga ‘ko sa tiwalang ibinigay nila.
“Kahit naman po tayo, I mean, if we don’t know the person, tapos may paborito tayong character sa mga movies, tapos may bagong papalit, I think, magda-doubt tayo and magda-judge tayo. But I think, it’s not for us to judge someone and sana, maging lesson ‘yun sa ating lahat,” aniya pa.
At kung magkakaroon daw ng season ang “Darna” ay payag na payag pa rin siyang gawin ito, “Kasi po, malaki po talaga siyang parte sa buhay ko, ang Darna. Hindi na po talaga siya mawawala sa akin hanggang sa pagtanda ko at sa mga susunod na henerasyon. I’m open, sana po, movie.”
Super happy din daw si Jane na makatrabaho at maging kaibigan ang mga co-stars niya sa serye na sina Joshua Garcia at Janella Salvador.
At sa tanong kung sino ang gusto niyang makatrabaho in the future, “Of course, Paulo Avelino. Naku, makikita na naman niya ito (interview), nahiya ako. Pero, aware naman siya du’n,” ang tawa nang tawang sabi ni Jane.
“Saka sana si Kuya Lloydie (John Lloyd Cruz), Papa P (Piolo Pascual), Kuya Jericho Rosales because naka-work ko siya before sa ‘Halik.’ Sana maka-work ko again si Kuya Echo,” aniya pa.