7 pulis patay, 22 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Misamis Oriental

7 pulis patay, 22 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Misamis Oriental

PHOTO: Initao MDRRMO

PITONG pulis ang patay, habang 22 ang naitalang sugatan matapos maaksidente ang isang truck at dalawang van.

Kinilala ang mga nasawi na sina Staff Sergeants Michael Ermac, Marjun Reuyan, Jevilou Cañeda, Eugene Lagcao, Aaron Ticar, at Arnill Manoop, pati na rin si retired Staff Sgt. Anito Abapo na nagmamaneho ng isa sa mga van.

Sa 22 na sugatan, 19 diyan ay mga pulis at tatlo ay mga sibilyan.

Nangyari ang insidente sa Bayan ng Naawan sa probinsya ng Misamis Oriental nitong February 11, pasado 9 a.m.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga pulis ay sakay ng dalawang Hi-Ace van na galing sa Cagayan de Oro.

Papunta sana ang mga ito sa Iligan City para sa kanilang intensive training na Public Safety Junior Leadership Course sa regional training center ng Philippine National Police (PNP).

Base sa police report, nangyari ang malagim na trahedya sa national highway ng Purok 11, Barangay Poblacion sa Naawan.

Binadya ng dalawang van ang outer lane ng national highway upang mag-overtake sa cargo truck na nasa kanilang unahan.

Ngunit biglang pumutok umano ang gulong ng truck at dahil nagpagewang-gewang na ito at nawalan na ng kontrol ay sumalpok ito sa mga van ng pulis.

Pati ang driver ng truck ay nagtamo ng mga sugat.

Ang mga nasugatan ay dinala agad sa pinakamalapit na mga ospital.

Read more:

Truck ban sa Metro Manila, ibabalik na sa Mayo 17

Read more...