Bianca King manganganak na, mensahe sa baby: Come when you’re ready, we are now ready for you

Bianca King manganganak na, mensahe sa baby: Come when you're ready, we are now ready for you

PHOTO: Instagram/@bianca_king

EXCITED nang isilang ng aktres na si Bianca King ang first baby nila ng mister na si Ralph Wintle.

Base kasi sa kanyang social media post ay mukhang anytime ay inaasahan nang manganak si Bianca.

Sa isang Instagram post ng aktres na ibinadera nitong February 11 ay sinabi niyang super ready na siyang makita at makapiling ang kanyang baby.

Inilahad pa niya na tila kinumpleto na rin niya ang mga kagamitan ng kanyang baby at malinis na malinis na rin daw ang kanilang bahay para sa kanyang pagdating.

Caption niya, “Dear baby, the longest month. I’m on a mad dash to buy as much as I can for your arrival, declutter and deep clean the entire house, batch cook frozen meals, deliver content I owe and hopefully have a week to disconnect from the world and focus on relaxing.”

Inamin ni Bianca na ramdam na niyang lalabas na si Baby dahil iba’t-ibang sakit na raw ang kanyang nararanasan na dulot na rin ng kanyang pagle-labor.

“We are struggling with various aches and pains from hand to pelvis. We are trying it all – massage, acupuncture, acupressure, physiotherapy, birth ball exercises and meditation,” sey niya.

Dagdag pa niya, “I can feel you pressing down, Braxton hicks are intense and you seem ready to come! But where are you?”

Naikuwento rin ng aktres na maswerte siya dahil normal ang kanyang panganganak at isasagawa pa nila ito sa pamamagitan ng “water birth.”

Post niya, “We are lucky so far we are low risk and you are perfectly normal. The pool is pumped, our labour prep list is ready. Are you really inside me?⁠”

Pagbubunyag pa niya na nakatakda siyang manganak ngayong February 12, ngunit iginiit na isa pa lang itong “estimation” o pagtatantya.

“I’m going to listen to my body and prioritize my wellness now. I wish I did this sooner but I will learn from this. Cocooning starts now… a day before our estimated due date. But that’s what it is – a rough estimate! I will be patient. Come when you’re ready, we are now ready for you,” excited na saad ni Bianca.

Matatandaan noong June 2021 ay ikinasal sina Bianca at Ralph at naka-based sila ngayon sa Sydney, Australia.

Ang mister ng aktres ay kapatid ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle.

Noong nakaraang buwan lamang ay isinilang ni Iza ang first baby nila ng kanyang asawa.

Humingi pa nga siya ng dasal sa publiko para sa panibagong chapter ng kanilang buhay.

Inanunsyo rin ni Iza na magpapahinga na muna siya mula sa social media upang matutukan ang kanilang anak.

Related chika:

Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

Read more...