Bea ipinagtanggol ni Karen sa bashers: Lahat po tayo kailangang magtrabaho…kalma lang
IPINAGTANGGOL nang bongga-bongga ng Kapamilya TV host at news anchor na si Karen Davila si Bea Alonzo sa naging desisyon nito na lumipat na sa GMA 7.
Maraming natuwa at na-excite sa pagiging Kapuso ng award-winning actress ngunit may ilan ding nangnega sa kanya kabilang na riyan ang ilang mga taong nakasama niya sa ABS-CBN.
Siguradong inaasahan na ni Bea ang ganitong senaryo, kabilang na ang pagtawag sa kanya ng mga bashers na ingarata, walang utang na loob at kung anu-ano pang masasakit na salita.
Sa nakaraang panayam nga kay Bea matapos pumirma ng kontrata sa GMA, sinabi ng aktres na hindi niya mapi-please ang lahat ng tao, at nirerespeto niya ang lahat ng magiging reaksyon ng mga tao sa ginawa niya.
In fairness, sa gitna ng pamba-bash kay Bea ng ilang mga Kapamilya, dumepensa naman ang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila para kay Bea.
Sa pamamagitan ng Twitter, nakiusap si Karen sa mga netizens na huwad agad husgahan ang naging hakbang ni Bea sa kanyang career
“Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave.
“Hindi po natin alam ang buong kuwento. Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho.
“Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo. All will work out in God’s time,” mensahe ng news anchor.
Sinagot din ni Karen ang nga nagkomento ng negatibo sa kanyang tweet pati na ang mga taong patuloy na nagpo-post ng hate message laban ka Bea.
“Sorry to hear this…Too much negativity on social media today over a transfer. To each his own. Kalma lang,” ang magkasunod na post ni Karen.
Siguradong nakaka-relate ang news anchor sa sitwasyon ngayon ni Bea dahil nakatikim din siya noon ng masasakit na salita nang lisanin niya ang GMA para lumipat sa ABS-CBN noong 2001.
Ayon kay Bea, matagal din niyang pinag-isipan ang naging desisyon niya, “I was thinking, reflecting about what I want to do. There have been a lot of changes the past year and when GMA’s offer came, it came at the right time.
“I was ready. I felt empowered and ready to chase my dreams and work in a new environment and meet new people. The opportunity fell on my lap at the right time and I seized, took it.
“It was the right thing to do because I’m happy. I will do my best to give you quality performance because that’s what you deserve. I am excited to work with Kapuso stars, writers, and directors,” pahayag ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.