NAGLABAS ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa TV host-actor na si Luis Manzano kaugnay sa pagkakasangkot umano nito sa Flex Fuel Petroleum Corporation investment scam.
Ayon sa report ng “24 Oras” nitong Biyernes, Pebrero 10, personal na dinala ng NBI ang subpoena sa tahanan ng sikat na TV host sa Taguig City.
Ito ay bilang tugon sa mga reklamo ng mga nag-invest sa naturang gas company kabilang ang 15 overseas filipino workers (OFW) laban sa Flex Fuel Petroleum Corporation at kay Luis.
Ayon sa NBI, nais nilang makuha ang pahayag ng aktor pati na rin ng iba pang opisyal ng kumpanya kaugnay sa isyu.
Saad ng NBI Spokesperson na si Atty. Giselle Garcia-Dumlao, “Patuloy pa rin naming kinukuhaan ng statement itong mga dumarating na complainants. Ongoing pa rin ang aming verification and we want to be exhaustive and thorough sa aming investigation.
Dagdag pa niya, “We would like to observe fairness din sa aming investigation kaya gusto rin naming bigyan ng opportunity itong mga respondents to give their side dito sa mga kaso na isinasampa.”
Saad naman ng isa sa mga nagrereklamo laban kay Luis at sa gas company na si Jinky Sta. Isabel ay handa naman silang iurong ang kaso basta’t maibalik ang ipinuhunan nila sa naturang investment.
“Ibalik na niya ang pera namin kahit principal, ‘yung buong pera lang namin na dineposit sa account niya. Kahit wala na ‘yung kinita, wala na ‘yung interes. Hindi na kami magsasampa ng kaso,” saad ni Jinky.
Nauna nang itinanggi ni Luis ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya at sinabing maging siya ay nabiktima rin dahil hindi pa naibalik ang pera niyang P66 million.
Itinanggi rin ng gas company ang mga alegasyon ukol sa investment scam ngunit aminado silang naapektuhan ang kanilang negosyo dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Ayon naman sa inilabas na pahayag noon ni Luis ay nagbitiw na siya sa pagiging chairman of the board ng gas company noong February 2022 at simula noon ay dinistansya na niya ang sarili mula sa kumpanya.
Related Chika:
Luis Manzano itinangging involved sa diumano’y P100M fuel scam, humingi ng tulong sa NBI
Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal
Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: ‘Kayo nga po pinag-isa n’yo pisngi, leeg at baba n’yo di namin kayo pinakikialaman’
Read more: https://bandera.inquirer.net/335760/banat-ni-luis-sa-nang-okray-kay-baby-peanut-kayo-nga-po-pinag-isa-nyo-pisngi-leeg-at-baba-nyo-di-namin-kayo-pinakikialaman#ixzz7t1Sd7SjR
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook