Chito Miranda super happy sa surpresang brand new pickup truck ng asawang si Neri Naig

Chito Miranda super happy sa surpresang brand new pickup truck ng asawang si Neri Naig

LABIS ang sayang nadarama ng Parokya Ni Edgar frontman at vocalist na si Chito Miranda sa regalo sa kanya ng maybahay niyang si Neri Naig.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya ang kanyang larawan kasama ang bagong sasakyan.

“Niregaluhan ako ni Neri ng bagong sasakyan. Alam nya kasi na gusto ko talaga magkaroon ng pick-up truck pero di ako bumibili kasi gusto ko unahin yung income generating investments,” pagbabahagi ni Chito.

Dagdag pa niya, “Kumbaga, oks lang ako magtiis sa lumang sasakayan at gamitin yung pera ko on things thay will make me more money, instead of buying myself a new car.”

At dahil nga raw alam ni Neri na hindi bibili ng sasakyan si Chito, siya na ang gumawa ng paraan.

“Since alam nya na hindi ako bibili ng sasakyan para sa sarili ko, kahit gaano ko pa kagusto magkapick-up, ang ginawa nya, sya nalang ang bumili for me.

“Ako ang tunay na #WaisNaMister,” sey ni Chito.

Matatandaang nitong February 7 ay ipinagdiwang ng Parokya Ni Edgar frontman ang kanyang ika-47th birthday.

In-upload rin ni Neri sa pamamagitan ng Instagram reels ang naging reaksyon ng kanyang asawa nang i-surprise nila ito.

“Bumili ka ng sasakyan?” hindi makapaniwalang saad ni Chito.

Biro pa niya, “Ikaw ba magda-down tapos ako maghuhulog? Magkano ba bili mo?”

Sinabi naman ni Neri ay pinag-ipunan niya ng ilang taon ang sasakyan para mabili at maibigay ito kay Chito.

Laking gulat pa nga niya nang malamang brand new at gusto pa nga niya itong bayaran sa asawa.

“I’m very happy. Actually I’m overwhelmed,” sey ni Chito.

“Surprise!!! Happppy birthday, Dad! I love you sooooo much! Bili na tayo halaman!” sabi ni Neri sa caption.

Related Chika:
Neri, Chito 7 years nang kasal: You are the best dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa!

Bakit malapit sa puso ni Chito Miranda ang Baguio City?

Neri ipinakilala ang baby girl nila ni Chito: Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao, nagawan agad ng kwento…

Chito Miranda kinontra ang balitang ‘patay’ na ang OPM, naglabas pa ng ‘resibo’

Read more...